Umakyat ako papunta sa kwarto ko at agad na humiga sa kama bago pumikit. Umuulan parin at dinig na dinig ko ang bawat patak. It's music to my ears.Ilang minuto at nakatulog na ako. Pero sa kasamaang palad, naistorbo ito ng isang 'di inaasahang tawag.
If you ever leave me, baby
Leave some morphine on my door
'Cause it will take a whole lot of medication
To realize what we used to have, we don't have it anymore
Tinignan ko ito habang patuloy parin ang kanta. Di ko 'yan inassign sa kanya, ah. Why would I do that? 'Yan kasi ang napili kong ringtone sa mga taong di mahalaga. Pero, favorite song ko 'yan.
Damon Valdez is calling...
Sinagot ko 'yon. Baka may kailangan.
"Hello? What is it this time?" Sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko. I yawned unintentionally.
"S-sorry. Naistorbo ba kita?" He asked.
Napasimangot ako, "Oo, naistorbo mo ako. Isn't it obvious? Ano ba kasing kailangan mo?"
Tumawa siya ng mahina at sa paos na boses. "Wala. I just wanna ask why you left me. Binalik ko 'yong bracelet mo. I deserve a decent 'thank you' or gratitude."
"Iniwan kita kasi 'di naman tayo close. I barely even know you. Malay ko bang killer ka or something," tumayo ako. "And I thanked you. That was decent, at least for me. Not my problem."
"Tss. I'm not a killer. Kung may papatayin man ako, hindi ikaw 'yon kung hindi ang kaagaw ko sa'yo," he said with amusement.
Napatigil ako. Ano raw? Kaagaw sa'kin? Insanity. There would be dozens.
"Asa ka na ikaw ang pipiliin ko. Like, duh? You? Me? Lovers? Yuck!" napangiwi ako.
"One day, babawiin mo 'yang sinabi mo," wika niya, tila siguradong-sigurado.
"One day, I'll be a killer and you'll be the first one I'd kill," I smirked.
"You don't need to. Patay na patay na ako sa'yo."
"You're too corny. But thanks for the appreciation-" pinutol niya ang sasabihin ko. Bastos.
"You're always welcome."
"Thank you rin pala kasi ginising mo ako nang walang dahilan. I really thank you for that," sarkastiko kong sinabi.
"You are very welcome, then..." wika niya.
May patutunguhan ba itong pag-uusap namin? Halatang wala.
"If you find this a joke, it's not funny."
"I'm sorry-"
"Bye!" Hilaw akong ngumisi. I immediately hung up.
Ilang segundo ang nakalipas, tumunog ang cellphone ko at nakita ang isang mensahe.
Damon:
Ba't mo pinatay? I just wanna talk. :(
At may sumunod pa!
Damon:
Talk to me.
Bakit kung maka-asta siya ay close kami? What the heck? Akala mo kung sino! Kapal mukhs!
May sumunod pang tatlong mensahe kaya pinatay ko na ang phone ko.
"Annoying pest," sabi ko at ni-slide na ang arrow sa phone ko para ma-off na ito.
Humupa na ang ulan. Hindi pa pala ako nagbibihis. Dumiretso na ako sa banyo para mag-shower.
The cold water ran against my skin in a relaxing way. Ilang saglit akong nanatiling nakatayo, dinadama ang tubig.
Nang makuntento ay nagbihis na ako. I rummaged through my clothes before settling for bed. Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Tumagal ang aking tingin sa isang litrato kung saan kasama ko ang isang lalaking mas matangkad sa akin. I miss my brother.
Kuya and I are close. Matalino siya at syempre, gwapo. We almost have the features except that he looked more ruthless. Maraming
nagkakandarapa sa kanya. At ito namang si kuya, ubod rin ng kalandian at pinapatulan ang halos matunaw nang mga babae. He is or was a playboy and I don't like it lalo na't kapatid ko siya. It's not good for him. Pinadala siya ni Daddy sa London para i-manage ang isa naming company roon pagkatapos maka-graduate. Matalino, e. Syempre, dugong Valderama.When we went to school together, lagi kaming magkasama kaya walang lumalapit sa akin na lalaki. At tuwing magkasama kami ni kuya, may kasama rin siyang babae. Minsan naiirita ako kaya inaaway ko at pinapaalis ito. Tumatawa lang si kuya habang ginagawa ko 'yon.
"You know, you don't deserve my kuya because you look too cheap," seryoso kong sinabi habang naglalakad kami ni kuya at ng kanyang babae.
Napatigil ang babae at kumawala sa akbay ni kuya. My brother fought against his laughter. Ngumuso siya habang pinapanood kami.
"FYI, your kuya was the one who came first," tinaas ng babae ang kanyang kilay. Was it Bernice?
"Doesn't matter," pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Easy bitch."
Mas tumawa si kuya habang pumapaginta siya sa amin.
"Oh relax, Avery. We all know I just play with girls," kumpirma niya at tinaasan ng kilay si ugly girl habang tumatawa pa rin ng kaunti. Humupa na ang tawa niya at nagsalita, "We're done, Bernice. Farewell!"
See? It's blood over water. It's heart over mind. Pinili niya ako kasi I'm his sister. At ang babaeng iyon? She's just his toy na pag pinagsawaan na, itatapon niya nalang. I love kuya. But I don't like him being a playboy. Kasi Valderama siya.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...