Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay pinagmamasdan ko ang bawat taong dinadaanan ko. Kung mga ganitong pagmumukha ang mga makikita ko araw-araw, mamamatay ako sa sobrang umay.Nang nasa elevator ay mabilis akong nakarating sa tamang floor ng aking opisina, kasama ang aking bagong secretary.
"So, ma'am, dito na pa ang office niyo." Aniya sabay muwestra sa isang maroon na pinto.
Paglabas mo ng elevator ay ito ang una mong makikita bukod sa mesang nasa labas nito. Iyon yata ang mesa ng aking secretary.
"I know. I've been here." Sabi ko at umirap. "Do I have meetings for today?"
Nang tinanong ko iyon ay tinignan niya naman ang kanyang clipboard na hawak at ngumiti bago ako balingan ng tingin.
"Yes po. Mamayang 10 po ay kasama si Mrs. Sevilla, and 1:30 pm po with Mr. Montenegro." Ngiti niya.
Tumango ako at papasok na sana sa aking opisina nang natigilan ako dahil sa narinig. "Montenegro?"
"Yes po." Tumango siya at tuminging muli sa clipboard. "Mr. Jaden Riu J. Montenegro."
Ilang segundo akong natigilan bago tuluyang pumasok sa aking opisina. Sa pintong kulay maroon ay may nakalagay na "OFFICE OF THE CEO." Nasa loob na ng opisina lahat ng aking mga gamit at nakaayos na ito lahat. Mula rito ay natatanaw mo ang syudad. Magulo, mausok, at may nagtataasang sky scrapers.
Umupo ako sa dark brown swivel chair at inilapag ang aking shoulder bag sa wooden table. Pinagmasdan ko ang aking bagong opisina. Kung ikukumpara sa opisina ko dati ay mas malaki ito. Mayroong malaking abstract painting sa harapan. May iilang halaman ding nakalagay sa sulok ng silid.
So, I'll have a meeting with a devil. Buhay pa pala ang kumag na iyon ay magmi-meeting pa ako kasama siya? Ano naman ang pagmi-meetingan namin? Tungkol sa burol niyang dito gaganapin ang reception? Some "burol party" lang?
Napailing ako dahil sa mga iniisip. First of all, wala naman akong dapat ipag-alala tungkol sa kababuyan at kademonyohan ni Jaden. Kaya ko naman siyang barahin ay ipahiya. So, no worries.
Ilang minuto akong tumunganga sa abstract painting na nasa aking harapan bago simulan ang pagpipirma at pagbabasa ng mga papeles. Nagpatimpla rin ako ng kape sa aking sekretarya at tinanong ko kung tuloy pa ba ang meeting mamaya kasama si Mr. Montenegro.
Mr. Montenegro, huh? Ipakain ko siya sa piranha, eh.
Ang totoo ay ayaw ko naman talagang makipag-meeting o kahit makasama lang si Jaden sa iisang silid. Syempre, sino ba ang may gustong makasama ang isang demonyitong kagaya niya? But, of course, I have no choice. Kailangan kong gawin ito para sa kompanya namin. All for the company. Nothing more, nothing less.
Nang tumungtong ang alas nuwebe y media ay napagpasyahan ko nang lumabas sa akin opisina. Nadatnan kong may tina-type ang aking secretary sa computer. Bumaling ito sa akin at ngumiti.
"Did Mrs. Sevilla already arrive?" Walang ekspresyon kong tanong.
"Opo." Aniya. "She's also with Engineer Cabintoy."
Tumango ako. I wonder who's Engineer Cabintoy? Tumayo ang aking secretary at sumunod sa akin patungo sa conference room, kung saan magaganap ang aming meeting. Binuksan ko kaagad iyon at naroon ang nasabing Mrs. Sevilla at Engineer Cabintoy. Napuna ko ang maputing mukha ni Mrs. Sevilla at ang makapal niyang eye shadow. I looked away. Don't ask me why.
"So, I guess you are Ms. Avery Valderama, daugther of Arthur and Victoria Valderama?" Ani Mrs. Sevilla, nakataas ang isang kilay. Tumango naman ako. Tumayo siya at naglahad sa akin ng kamay. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi habang nakikipagkamayan sa kanya. "This is Engineer Benson Cabintoy."
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...