36 : Demonyo

875 12 0
                                    


"Hindi ako baliw para sabihing gusto kong mahati ang mukha ko." sagot niya.

"Wala akong paki sa opinyon mo." sinimangutan ko siya.

"Damn, hottie. Ang daming nakatingin sa'yo." umirap siya.

"Ano ba kasi ang meron at parang gusto mo yatang nakabalot ako?" nilagay ko ang kanang kamay ko sa bewang ko.

"Kita mo 'yan?" tinuro niya ang isang lalaking nakatitig sa akin, "At 'yan?" tinuro niya naman ang mukhang adik na nakangisi pa. "Kung makatingin sa'yo parang hinuhubaran ka na!"

Oxygen, please? I'm hyperventilating here.

"Pakialam mo?" bulyaw ko. "Manyak ka rin naman.." bulong ko sa sarili ko.

Ambang tatanggalin ko na ang t-shirt niya nang tinampal niya ang kamay ko.

"Last warning, Avery. Last. Warning. Sige ka. Hubarin mo 'yan at hahalikan kita." ngumisi siya.

"Wow! Talaga? Sige, huhubarin ko na! Tutal naman gusto kong halikan mo ako, diba? Kahit pa nga lapain mo ako dito ng buhay gustong-gusto ko iyon! Ang yummy mo-" sarkastiko kong sinabi na bigla namang naudlot dahil bigla niyang hinapit ang bewang ko at nilapit sa kanya. Whew.. Halos isang pulgada na lang ang layo namin.

"Dumaldal ka pa. Lalapain talaga kita... Literal." bulong niya ng nakangisi.

"Ang bad breath mo, grabe. Ang baho!" tinulak ko siya pero mas nilapit niya lang ako sa kanya.

"Just say those things, Valderama. I know you're lying. And I know that your heart's beating as fast as mine." ngumisi pa siya ng malademonyo.

Totoo, my heart's beating as if it's going to burst out of my body.

"Ew, talaga! Fresh air, people?" Tinulak ko na talaga siya ng buong pwersa. "Ngayon, pwede ka na bang tumigil sa kahibangan mo, Damon? At baka mabalatan pa kita ng buhay."

"Damn, ang kulit mo!" Kinamot niya ang batok niya ng nakapamewang nang tuluyan ko nang hinubad ang t-shirt niya.

"Magbibihis naman ako sa bahay, ah? Ugok ka talaga! Baka naman gusto mong makain ko na 'yang t-shirt mo?" Inirapan ko siya.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" marahan niyang bulong na nagpatindig sa balahibo ko.

"Because I have a skull. Duh, Damon." nagawa ko pa siyang tarayan kahit na sa kaloob-looban ay naghuhuramentado na ang traydor kong puso.

"Whoooo! Grabe!" inis niyang buntong-hininga at sinuot na lamang ang shirt niya.

Nakita ko pang nag-flex ang abs at braso niya dahil sa paggalaw.

Steamy..

"I know... I'm hot." Nagulat ako sa narinig ko.

Tinignan ko ang mga mata niyang nakangiti.

"So stop staring." dagdag niya.

Tinaas ko ang kilay ko dahil wala na akong masabi.

Ang mga taong arogante, sarap patayin!

Not that I'm not arrogant, too.

"I'm not staring. I'm just looking." pagdedepensa ko.

"Still the same." ngisi niya.

"Oh, andito pa pala kayo?" narinig ko ang boses ni Lyzelle sa gilid.

Nilingon ko siya at sinimangutan, "Building ko 'to. Kaya wala kang pakialam kung nandito pa ako."

"Okay.. I'm sorry. Nagulat lang na nandito pa kayo. Diba, Damon?" humalakhak si Lyzelle.

"Yeah.." nag-chuckle si Damon.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon