16 : Green and White

1.6K 24 1
                                    


Dumating na ang August at usually, ito ang pinakabusy naming month. Mayroon kasing event. 51st anniversary ng company namin.

"Ma'am Katerina, dumating na po ang balloons. Paki-receive daw po." sabi ni Lara, assistant ko.

"Can't you see I'm busy?" kumunot ang noo ko. "Receive it!"

"O-opo." sabi niya at lumabas na.

Nandito ako sa hall kung saan igaganap ang celebration ng company.

"Put the balloons there. Sa corners din." utos ko sa mga empleyado na naka-assign. "Lara! Wala pa ba ang mga roses?"

"Nandito na po, ma'am." sagot ni Lara at pinapasok ang nagdeliver.

"Are those green and white roses?" tanong ko.

"Yes, ma'am. Galing pa po ito ng-" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya.

"Yeah, I don't care." Umirap ako. Nagtanong lang ako kung green at white 'yon! Andami pang sinasatsat!

"Saan po ilalagay ang mga roses, ma'am?" tanong ng empleyado ko.

"Sa mga vase. 'Yong nasa mga tables, 3 roses lang. Dalawang green at isang white." sagot ko.

"Thank you po." sabi niya at tumungo na.

Bumukas bigla ang pintuan at niluwa nito ang parang binagyong si Garret.

"Sorry I'm late!" sabi niya habang hinihingal pa.

"Late ka na nga, ina-announce mo pa. Don't talk too much, Garret. Start working!" sabi ko.

"Yes, boss!" nag-salute siya at tumulong na. "Ako na po."

One hour passed at natapos na rin namin lahat. Ngumiti ako. Now, it's perfect!

"Lara, please tell them to take a picture." sabi ko. Nagulat si Lara sa inasta ko.

"Y-yes, ma'am." sabi niya at tumungo na.

"Everybody! Magpicture tayo! For our hardwork!" sabi ko.

Pumwesto kaming lahat sa harap. Inutusan namin ang nagdeliver kanina na kumuha ng picture. Nasa gitna ako. Nasa right sight ko si Lara, and nasa left side ang walang modo.

"1, 2, 3, smile!" sabi nung nagpipicture at clinick na ang camera.

"Wacky naman!" sabi ko.

Nagpose silang lahat. Napatingin ako kay Garret na naka-peace sign at naka-pout. Napabalik lang ako sa sarili ko nung nagsalita ang lalaki.

"Okay! Done!" sabi nung nagtake ng picture.

Lumingon si Garret sa akin nung tinignan ko ulit siya. Ngumiti siya at kumindat. Landi talaga.

Lunch break na namin sa office. Sa labas ako maglu-lunch. 'Di ko naman alam kung saan. Can I ask Dora for help? Oh great God, I hate Dora.

Naka-stop signal ang traffic light nung naramdaman kong parang may bumangga sa likod ng kotse ko. Tinignan ko ang traffic light: 98 seconds pa. Lumabas ako at nakitang.... Oo nga! Binangga ng isang Toyota Fortuner ang Mercedes Benz ko!

Kinatok ko ang bintana ng driver. Alam niya kayang binangga niya ang Mercedes Benz ko?! Binaba niya ang bintana. Naka-shades pa ang ulol. Feeling nasa beach, eh. Tinted na 'yong kotse. Pasikat. Feeling. Walang-

"What?!" iritado tanong niya. Aba, magaling! Ang galing!

"What what-in mo 'yang pagmumukha mo!" tinuro ko siya. "Can't you see? You just bumped my Mercedes Benz!"

Tinignan niya ang kotse ko bago tinanggal ang shades. "So?"

Ano daw? Ano? ANO DAW?

"Pardon?" sabi ko.

"So? So what if I bumped it?" pag-uulit niya.

"Hoy, lalaking feeling gwapo, anong 'so' ang sinasabi mo? You just bumped my Mercedes Benz! You. Just. Bumped. My. Mercedes. Benz!" sigaw ko.

"As if I-" 'di niya na ito natapos kasi nagsimula nang bumusina lahat ng kotse sa likod.

Bumalik nalang ako sa kotse ko. 'Wag siyang mag-alala, magtutuos rin ulit kami! Walangya! Pinatakbo ko na ng mabagal ang kotse ko. At, boom! Nag-over take siya. Matignan nga ang plate number. Akala niya ha! May utak ako! I have brains, dude! Pero sa kasamaang palad, 'di ko 'yon nakita ng maayos dahil sa isang motor. Ang swerte ko talaga!

Ewan ko kung bakit ako napunta dito. Bakit nasa KFC ako?

Nag-order na lang ako ng 1 pc chicken at mashed potato. Forever alone, right? Tsk. I'm used to it.

Pagkatapos kong kumain, may 2 hours pa ako. Mamaya pa ang event. 3:00 pm pa. Now, which way to go? I'm starting to sound like Dora.

Lumiko ako at nakita ko ang National Bookstore. Pinark ko muna ang kotse ko at pumasok na sa NBS. I didn't mention it before but, I like books too. Mahilig akong magbasa ng books. Twilight, Harry Potter, Princess Diaries, and other best-selling books? I have it. Too bad it's gone. Dinonate ko kasi sa isang library sa Laguna.

Nag-ikot ako sa NBS at may nakita akong mga bakla na bumibili ng Pop Fiction books. Ngumisi ang isa. At ano pa ba? Bungal! Bungal!

Napadpad ako sa mga english books. Pumili ako ng isa. Ma-try ko nga 'to.

Umuwi muna ako para mag-ayos for the event. Kinuha ko na ang green cocktail dress ko na may white belt. As I said, it's our company's colors. Green and white. Nagbihis na ako at inayos ang buhok ko. Kinulot ko ang dulo nito at nag-headband ako na white. Black na black kasi ang buhok ko kaya I prefer white. Naglagay rin ako ng make-up. Eye shadow lang na brown at konting lipstick and blush on. Ayoko ng masyadong makapal. I'll look like a psychotic clown.

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako. Nabangga pala nung walang hiyang tao na 'yon ang Mercedes Benz ko. Nayupi ng kaunti! Bukas na bukas, ipapaayos ko 'to. May isa pa naman kaming kotse. Mazda 3. Pero ayaw ko 'yon!

Napilitan nalang akong gamitin 'yon papuntang office. Pagdating ko, wala pa masyadong tao sa hall kasi 30 minutes pa bago mag-start.

Nabigla ako nang may umakbay sa akin. Pagtingin ko, nakangisi si Garret.

"Ano ba?!" tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko.

"Maganda na nga, masungit parin. Jusko!" sabi niya.

"Whatever. Get lost, Garret. Go to hell." inirapan ko siya at naglakad ako patungo sa mga pagkain. Titignan ko kung tama ba sila o hindi.

"I will if you'll come." sabi ni Garret na nasa likod ko na pala.

Nilingon ko siya. "Alam mo, kung mangbubwisit ka lang, 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin. Magpinsan nga kayo ni Damon! Magkaparehas kayo ng ugali!"

Kumunot ang noo niya. Tinalikuran niya ako ng walang binitawang ni isang salita.

Dapat lang! Nakakainis kaya kasi nambubwisit! Kagaya lang ng demonyong Damon!

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon