25 : Rude

1K 12 0
                                    


"Oo, napakalaking problema non. Dahil ikaw lang ang gusto ko." sambit niya kaya napalingon ako sa kanya na nakatingin ng diretso sa harap ng sasakyan.

"OA." sabi ko kaya napalingon din siya sa'kin.

"Bakit? Ano bang sasabihin ko? 'Yon naman ang totoo." wika niya.

"Totoo, huh?" umirap ako.

"Mahal kita." sabi niya na siyang ikinagulat ko at napalingon ako sa kanya. Sheeez! Isang pulgada nalang ang distansiya namin!

"P-paano mo naman nasabi 'yan?" nanginginig ako at pinipilit ko pa ring tumingin sa kanya.

Wala siyang sinabi at hinalikan niya ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko... parang.... ewan. Ang lambot ng labi niya! At first, hinayaan ko siya pero nang natauhan ako ay.....

Agad ko siyang tinulak. Leche. Okay na sana 'yon, eh! Wait? Ano? Hindi! Gusto? Hindi? Paano? Ah, basta! Ang gulo!

Nilingon ko siya at pinaandar niya na ang sasakyan na may ngisi na nakaguhit sa kanyang mukha.

"Tinititigan mo ako?" sabi niya nang hindi sumusulyap sa akin, busy sa pagmamaneho

"Kapal!" sabi ko.

"Gusto mo pa ng isang kiss?" Ngumisi siya at sumulyap sandali.

"Hindi pa nga tayo, kiss agad?" Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi siya nakatingin sa akin.

"Problema ba 'yon? Edi maging tayo na!" Itinigil niya ang kotse kasi red na ang traffic light.

"Agad-agad?!" humilig ako sa upuan at tsaka tinignan siya.

"Agad-agad." tumango-tango pa ang manyak.

"Hindi ko pa sinasabi na mahal kita. Ang alam ko, ikaw lang 'tong laging nagtatapat." sabi ko.

"Edi sabihin mo." ngumisi ulit siya.

"Hindi naman ako sigurado kung mahal kita. Ang alam ko crush lang kita." nag-iwas ako ng tingin.

Ano ba talaga? Mahal ko na ba siya? O 'yong crush lang? Kahit ako, hindi ko alam, eh. Sometimes, life is just like this. Ang alam mo, may feelings ka. Pero 'di mo naman alam kung anong klaseng feelings, if it is love, infatuation, crush or anything. Basta ang alam mo lang, may feelings ka nga... o wala? Ewan. Ang gulo. Mas magulo pa sa algebra. Kahit matalino ako, 'di ko gets.

"Edi siguraduhin mo." Ba't ba laging ganito 'yong mga sinasabi niya?!

"Ganyan ka ba talaga?" tinignan ko siya.

"Anong ganito?" Tanong niya.

"Para kang laging nagmamadali." simple kong sagot.

"Of course. The time is running fast. Hindi kagaya ng dati. Ngayon, ang bilis na ng oras. At you only live once. Kaya, enjoy life!" tumawa pa ang manyak.

"Oo nga, eh. Ang bilis ng oras. Pero, ba't ang tagal mong mamatay?" sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pagtawa pero nakangisi pa rin.

"Hindi pa ako mamamatay dahil papakasalan muna kita." sabi niya at nagmaneho na ulit nang nag-green na ang traffic light.

"Papakasalan daw. Hindi pa nga tayo 'yan na agad ang iniisip mo? Kasal?" sabi ko at tumawa ng kaunti.

Tawa-tawa lang. But deep inside, the butterflies in my stomach are dancing. And I don't know why.

Nakapark na ang kotse niya sa tapat ng opisina namin. Hindi pa kami nakakalabas dahil umaambon pa ng kaunti at doon ko lang din naalala....

"'Yong susi pala ng kotse ko!" sigaw ko at tinignan siya ng masama.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon