17 : Demonyong Damon

1.4K 23 0
                                    


"First and foremost, I would like to thank those who worked hard for this company. We've come so far. 51st! I knew we'd come this far," ngumiti ako sa mga employees, visitors, at sa iba pa. Plastikan? Magaling ako diyan!

Actually, ako lang naman ang nag-work hard para sa kompanyang 'to. At first, wala lang akong pakialam kasi si mom and dad lang naman ang may gusto na i-handle ko 'to. What I really want was to be an architect. At syempre, ang architect ay magaling mag-drawing. Syempre, magaling ako.

"Congratulations, everyone! Happy 51st anniversary!" sabi ko. "Let's start this party!" at bumaba na ako sa stage ng hall.

Pumila lahat para kumuha ng pagkain sa banquet. Siyempre, ako rin. Kumuha ako ng Fish Fillet, Lasagna, Marshmallows na nilagyan ko ng chocolate sa chocolate fountain, 'yon lang. I don't wanna eat much. Medyo busog pa ako sa kinain ko kanina.

Umupo ako sa table ng mga employees kahit ayaw ko. Magbabait-baitan ako. NGAYON LANG.

"May I join you?" tanong ko sa empleyado kong nakaupo.

"Yes, ma'am." ngumiti siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nakaagaw sa atensyon ng lahat ang table kung saan nagtawanan ang mga tao. Pero ang mas kinagulat ko...... What the heck is Damon Valdez doing here? Got it right, Damon Valdez. Anong ginagawa niya dito?

Tumatawa-tawa pa si Damon habang tumatayo. Nagtagpo ang paningin namin at ngumiti siya. Umirap ako. Ngini-ngiti ngiti niya? Hindi ako masaya na nandito siya. Double bwiset for this day.

Tatapusin ko na sana ang last na fillet ko nang may nagsalita.

"Hey, Valderama." sabi nung nagsalita.

Nag-angat ako ng tingin at si Damon 'yon. Nakatingin lahat ng empleyado sa kanya na tila ba nagha-heart shape ang mga mata nila. Gwapo ba 'yan?

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at tumayo na ako. Kumuha ako ng wine sa table sa gilid at isang glass.

Umupo ako sa vacant na table sa gilid. Kaunti lang ang mga bisita eh. Kaya may vacant. May umupo sa tabi ko at pagtingin ko, si Damon 'yon.

"What?!" tinaasan ko siya ng kilay.

"Can I have some?" tinuro niya ang wine na nasa table.

Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya.

"Silence means yes." nagkibit-balikat siya at naglagay na ng wine sa glass niya. How dare you, Damon! Walang modo rin!

"Want some?" tanong niya pagkatapos niyang uminom. Hindi ako umimik at tinignan lang siya. "Silence means yes," at nilagyan niya ang baso ko.

Tinignan ko pabalik-balik si Damon at ang wine na nilalagay niya sa baso ko. Natapos na siya at tinignan niya rin ako.

"Kung gusto mo akong titigan lagi kasi gwapo ako," paninimula niya. "picturan mo nalang at gawin mong wallpaper para lagi mong makita."

"Asshole." Bulong ko sa sarili ko habang umiirap at ininom na ang wine.

"Ano?" Takang tanong niya nang nilapag ko na ang baso.

"Sabi ko, you're an asshole-" pero 'di niya na ako pinatapos.

"Gusto mo naman." singit niya.

"A-ano?!" galit kong tanong.

"Tss. Clean your ears, girl. Maganda ka pa naman." sabi niya

"Alam mo, mawala ka na. Sasaya ako nun! Promise!" Inirapan ko siya.

"Nagtataray ka pa. Nagpapakipot ka lang." sambit niya kaya napalingon ako sa kanya. "Tignan mo? Nabuking ka na."

"Oh yeah?" tinaasan ko siya ng kilay. Tumango naman siya. Bigla akong may naisip. Tignan natin. Tumayo ako at kinuha ang bote ng wine na nasa table at binuksan 'to.

"Lalagukin mo?" tanong niya na naka kunot ang noo.

"Of course not." ngumisi ako at binuhos sa kanya ang wine. Napatingin lahat ng tao sa amin kaya sinamaan ko sila ng tingin. Tinignan ko ulit si Damon. Nalaglag ang panga niya habang unti-unti na siyang nababasa. Tignan mo?

"Damn it." bulong niya at pumikit habang inuubos ko ang wine sa pagbuhos sa kanya.

"Tignan mo?" I smirked at umihip na ako palabas ng hall.

'Yan ang katapat ng demonyong Damon......

Ang mas demonyong Valderama!

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon