31 : Love

1.1K 11 1
                                    


Nagising na lang ako na wala na sina Ate Yella sa tabi ko. Tumakas?

Bumaba agad ako at nakita sila na busy sa kitchen. Nagluluto si Ate Yella at tumatawa naman sina Jarvin.

Nagtagpo ang paningin namin ni Jarvis at napasimangot agad siya. Napatingin din sa akin si Jarvin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Manonood lang ako ng tv." sambit ni Jarvis at nilagpasan ako.

"Anyare dun?" tanong ko kay Jarvin. Nagkibit-balikat lang siya.

"Breakfast's ready!" tumawa si Ate Yella at nilapag ang bacon, hotdog, and eggs na niluto niya.

"Vis, kainan na!" Tawag ni Jarvin sa kapatid niya.

"Wala akong gana!" sigaw ni Jarvis pabalik.

Ngumiwi na lang ako habang umuupo sa dining table.

"Sabi niya kanina na gutom siya, eh." sambit ni Ate Yella.

"Huh?" kumunot ang noo.

"Ah, basta." Umiling si Ate Yella at nilantakan na ang breakfast.

Binalot kami ng matinding katahimikan hanggang sa nagsalita na si Jarvin.

"Christmas Eve na bukas."

"Saan tayo magce-celebrate?" Tanong ko.

"Sa bahay namin!" sagot niya na para bang ang tanga ko dahil 'di ko iyon alam.

"Teka, is Aaron coming?" Tanong ni Ate Yella.

"I guess not." sagot ko. "Lagi naman siyang wala."

"Hmmmm...." buntong-hininga ni Ate Yella pagkatapos niyang kumain. "Magbibihis lang ako."

"Okay." ngumiti ako sa kanya bago bumaling kay Jarvin. "Maghugas ka."

"Tss. Ang tamad mo talaga." sinimangutan niya ako.

"Nakikikain ka lang. 'Wag kang magreklamo." inirapan ko siya.

"Pag pinaghugas mo ako, sasabihin ko sa buong mundo ang alam ko." Ngumisi siya.

"Damn, you evil creature!" sumimangot ako.

"Bye, Ave! Wash thoroughly! Hahaha!" tumawa siya habang papaalis sa dining room.

Napabuntong-hininga na lang ako at napilitang maghugas. Darn! Ang mokong na iyon talaga!

Nang sa wakas ay natapos na ako, pinunasan ko ang pawis ko (oo, pinagpawisan ako) gamit ang braso ko at dumiretso na sa sala. Nakita kong ngumingisi si Jarvis habang nanonood ng.. urgh.. God-knows-what.

"Oh, sh*t." Nag-iwas ako ng tingin sa tv at umakyat na. Nakakailang hakbang pa lang ako, nagsalita na si Jarvis.

"Clever!" tumawa siya sa tv.

Nandidiri ko siyang nilingon. Nakatitig lang siya sa tv habang mas ngumingisi pa rin.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang lumabas ang nakabihis na si Jarvin mula rito. Hinintay ko siyang makababa. At tama ang hinala ko, manonood din siya ng God-knows-what!

"Nice show, bro!" Narinig kong humalakhak si Jarvin.

Pumasok na ako sa kwarto at nakitang nagsusuklay si Ate Yella habang nakaharap sa salamin.

"Hatid ko pa ba kayo, Ate?" tanong ko habang umuupo sa kama.

"No. Dala naman namin 'yong kotse ni Vin." ngumiti siya at nilapag ang hair brush sa table. "So, we'll go."

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon