38 : D for Demonyo

872 12 6
                                    


Pagkatapos naming ilipat ang videoke sa tulong ni Vis ay nagpahinga na rin kami.

Maya-maya ay may nagpark na Mazda sa labas na natanaw ko mula sa stairs. Nakaupo kasi ako doon.

"Quinn's here." bulong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng bahay at sinalubong ang nakabusangot na Quinn.

"Oh? Why do you look awful?" tanong ko habang pumapasok kami sa bahay.

"Ang traffic kaya, Ave." umirap siya at umupo kaagad sa sofa. May dala siyang eco bag na naglalaman yata ng gifts. Kinuha niya ang isang box at iniabot sa akin. "Heto, pasalamat ka."

Ngumiwi ako at tinanggap 'yon. I don't have a gift for anyone. Hindi naman kasi ako 'gift' person. Hindi rin naman ako mahilig mamigay. They'd be lucky if I'll give them a gift, I can afford everything. And by means of everything, lahat-lahat.

"Nandito ka pala, Quinn." sambit ng Jarvis na nakahiga sa sofa pagkatapos naming ilipat ang videoke. "Anong ginagawa mo rito?"

"Papaalisin mo na ba kaagad ako?" tinaas ni Quinn ang kilay niya. Kinuha rin ni Quinn ang isang maliit na box, "This one's yours."

"Thanks, buti ka pa, may gift, hindi kagaya ng iba diyan." Tinitigan niya ako bago nanood ulit ng movie. Umirap ako.

"Ate Yella, si Quinn, oh." sabi ko sa kakasulpot lang na si Ate Yella.

"Hello! Kamusta ka na?" nagbeso sila nang tumayo si Quinn.

"Fine, Ate. Napagod lang sa pagdadrive." sagot naman ni Quinn. At binigay na niya ang gift para kay Ate Yella. She's really Santa Quinn. Hah!

"Gusto mo pang mas mapagod?" sabat ni Jarvin mula sa likod ni Ate Yella.

"Jarvin!" Saway ni Ate Yella.

"Kiddin'." tumawa si Jarvin at niyakap si Quinn. "Tangkad mo na, Quinn, no?"

"Syempre." ngumiti si Quinn at kumalas na sa yakap. Binigyan niya rin ng gift si Jarvin. "Kahit ma inaaway mo ako, bibigyan pa rin kita."

"I never asked." sumimangot si Jarvin at tinanggap ang binigay ni Quinn. "Thanks, though."

Quinn and my cousins are kinda close. Dahil nga sa best friend ko si Quinn ay kakilala niya na rin sila. Pati sina mom at dad. And also Kuya.

Nag-uusap sila nang nag-vibrate ang phone ko.

Lumayo ako sa kanila at pumunta sa may stairs ulit.

From: Damon Valdez

Wanna go out tonight?

Kinagat ko ang dila ko habang nagrereply.

To: Damon Valdez

Sure! What time?

Umupo ako sa isang hakbang ng stairs.

From: Damon Valdez

You decide.

"Ate Yella," tawag ko sa pinsan kong nakikipag-chikahan kay Quinn. "Anong oras matatapos ang party mamaya?"

"Uh, maybe around 12 a.m. Maaga kasi ang party para maraming pupunta." sagot niya. "Bakit?"

"Uhm.. okay. Aalis kasi ako mamaya. Thanks." ngumisi ako.

To: Damon Valdez

1 AM, then.

From: Damon Valdez

Masyado naman yatang dis-oras ng gabi yan?

To: Damon Valdez

Ayaw mo? Edi wag.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon