09 : What's with him?

2.2K 33 0
                                    




"Ano? Na pipi ka na? Swallowed your tongue?"

Napalunok ako habang nakakunot naman ang noo ni Kuya. What is his problem?

"Ano? Pipi ka na?" ulit niya.

"Why are you acting that way? It's weird," nakapag-salita na rin ako.

"Do you know Damon Valdez?" tanong niya sa akin na para bang hindi siya tatanggap ng kahit anong sagot maliban sa 'oo.'

"Y-yes?" Naging patanong ang aking sagot.

"Do you know Damon Valdez?" He asked once again; this time, he seems really serious.

Tinaasan ko na lang kilay si Kuya. He's suddenly being odd. Mas lalo lamang kumunot ang kanyang noo at tila napipigtas na ang kanyang pasensya sa hindi ko pagsagot nang maayos.

"Do you know him well, Avery?"

"N-no," iling ko. "We just met yesterday."

"Yesterday?!" ulit niya sa aking sinabi. He seemed annoyed with my answer. "What the fuck?"

"W-what's wrong? Mabait naman siya-" kaagad niyang pinutol ang aking sasabihin.

"You still don't know him well," pag-iling niya pa. "You should realize that."

"Bakit? Do you know him well, kuya?" tanong ko sa kanya.

"Tss," umismid lamang siya. "Just be careful."

Wala na akong nagawa pa nang iniwan ako ni Kuyang naguguluhan habang tinatanaw siya paakyat bago siya tuluyang pumasok sa aking kwarto.

Anong 'be careful' kaya ang pinagsasasabi niya? Ano ba si Damon? Isang anaconda na nagdi-disguise as tao? Dinosaur na 'di nag-extinct? Ahas na poisonous? Piranha na lumaki at naging mascot na tao? Ano? This is really driving me nuts.

Pinadyakan ko ang gilid ng couch ngunit agad ko rin naman itong pinagsisihan. Ang sakit.

Dahan-dahan na lamang akong umupo sa couch na aking pinadyakan nang magring ang telepono. Dahil nasa gilid lang naman ito, inabot ko 'yon at sinagot.

"Hello?"

"Ave! Happy, happy birthday!" pambungad na sigaw ni Quinn sa kabilang linya. Oh, my best friend since college.

"Tss," napairap ako sa kawalan. "Ingay mo."

"I heard na umuwi na si Aaron!" Impit siyang tumili. Crush niya si Kuya simula noong mga bata pa lang kami. Tinutulungan kasi siya ni Kuya noon sa mga homeworks niya. Malisyosa din kasi ang isang 'to.

"Oo nga. Umuwi na si kuya," I confirmed.

Humagikhik siya, "I'll be there, A.S.A.P!" at binabaan na ako. Bastos din.

Napailing na lamang ako habang nangingitin. May tama na talaga yata 'yon kay Kuya.

"Avery!" Malakas na tawag ni Kuya sa akin galing sa itaas.

Umakyat naman ako ng padabog at pumasok sa kwarto. Nadatnan ko siyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone ko.

"Ano?" iritado kong tanong.

"Ano 'to?" tanong niya rin sa akin habang nakatingin parin sa phone ko.

Dinungaw ko naman ang cellphone ko at nakita ang dahilan kung bakit nakasimangot na naman siya.


Facebook:
Damon Valdez commented on his photo with you.


Isang heart ang nakalagay sa comment ni Damon at nagpigil na lamang ako ng tawa dahil medyo gay iyon.

"What's with that?" tinuro ko 'yon.

"What's his photo with you?" usisa ni Kuya.

"Aba'y ewan," umirap ako at inagaw ang cellphone ko. "This is mine."

Binuksan ko ang phone ko at tiningnan iyong ikinagagalit ni kuya. Pagtingin ko, nakita ko 'yong picture ko na ngiting-ngiti habang naglalakad sa corridors ng school. Naka uniform ako dito at may bitbit na books. Tss. So what? At.. May caption din itong, "I'm her stalker, so what?"

"I'm her stalker, so what?" pagbabasa ko. Nagscroll down ako at nakitang marami itong likes at comments. It was a picture of me way back during my high school days. Kung bakit may litratong ganito ay hindi ko alam.

Habang nagbabasa ng comments ay hindi ko maiwasang maging kuryoso. May nakita pa akong isa na matagal na rin.


Yuan Jacob Tan:
Back off, dude. She's MINE.


Si Yuan 'yong dati kong boyfriend na over-protective. 3rd year highschool kami noon. Hindi ko naman siya mahal pero sinagot ko siya dahil wala naman akong kamuwang-muwang tungkol sa 'boyfriend-girlfriend' thingy na 'yan. Gwapo siya, oo. Maalaga rin siya at mapagmahal pero hiniwalayan ko rin. At guess what? Siya ang naluha sa aming dalawa. Kasi naman, hidi ko nga siya mahal. I felt plain pity for him that time. Pero ngayon, nagte-thank you na siya sa akin kasi nakakita na siya ng 'the one' para sa kanya. Just too corny.

"You still remember Yuan, huh? Gusto mong balikan?" napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakadungaw rin pala sa cellphone ko.

"No. Of course not," ngumiti ako. "I just find it amusing."

"Bakit amusing? Kasi masaya ka ngayon dahil kay Damon Valdez?" tanong niyang ikinagulat ko naman. Hindi ko talaga alam kung ano ang rason kung bakit kumukulo ang dugo ni Kuya kay Damon. He seems okay.

"Don't just judge people, kuya," I just blurted out.

"I do judge people, sister. Lalong-lalo na 'yang mga taong hindi mabuti para sa iyo," litanya.

"You know, kuya, don't just come back here again kung 'yan lang ang gusto mong iparating. Maybe you even forgot that it's my birthday because of those bad things about Damon Valdez running in your mind!" huminga ako nang malalim.

Lumabas ako sa kwarto nang hindi na umiimik at nagpatuloy hanggang sa nakalabas na ako nang tuluyan sa aming gate. I need fresh air. Baka makalbo ko lang si Aaron.

Nang may bumusinang sasakyan ay napalingon ako at kaagad na nakita ang puting Mazda ni Quinn.

"Where's Aaron?" masaya niyang sinabi pagkatapos lumabas ng kotse.

"Inside. Nag-away kami," simple kong sagot.

"Oh. I came at the wrong time, right?" napawi ang ngiti niya.

"No, you came at the right time, Quinn. Punta tayo sa plaza. I need air. Fresh air," at inunahan siya sa pagpasok sa kotse.

Pagkapasok niya ay kaagad siyang nagtanong. "What happened to you and Aaron ba?"

"Nothing big," I shrugged. "He just acted weird and started to say things about Damon — kakikilala ko lang doon at mukhang mabait naman."

"Damon? You mean, Damon Valdez?" tanong niyang may halong pagtataka.

"Oo. Bakit, ano ba ang meron?" tanong ko na rin.

"Well, he's..." nagkibit-balikat siya.

"He's what?" Nanliit ang aking mga mata kay Quinn.

"Never mind," kibit-balikat niya at pinaandar na ang kotse.

What's with Damon Valdez?

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon