"Slow!" pang-asar niyang sigaw habang tumatakbo pa rin, hinahabol ko.Tumatawa na ako at bumabagal na ang takbo ko. Nakakapagod din, no.
"You're giving up that easy?" ngisi ni Damon nang tumigil ako sa pagtakbo.
Kahit giniginaw ako, hinayaan ko na lang iyong dahil sulit naman sa kasama ko.
"I'm tired." sabi ko at umupo sa bench malapit sa kinatatayuan ko.
Kahit umuulan pa rin ng malakas, parang hindi rin naman dahil sa ginagawa namin. Well, this is one of the best days I've ever had in my life, honestly.
"Aray, sh*t!" humiyaw si Damon nang may naapakan siyang kung ano na naging dahilan ng pagkadulas niya.
"Lampa.." bulong kong mahina at tumayo. Naglahad ako ng kamay para maiangat siya.
Hinawakan niya naman ang kamay ko at hihilahin ko na sana siya patayo pero naunahan niya ako. Lintik na lalaki. Ang hilig manghila!
Napaupo ako sa tabi niya at napapikit sa sakit. Ang pwet ko.
Effing Damon. Effing floor. Effing rain. Effing butt. Effing love.
Bigla kong naramdaman ang isang malambot na bagay sa labi ko at napamulat. Nakita kong nakapikit si Damon at nakadampi ang labi niya sa labi ko.
Freaking love. Freaking lips. FREAKING KISS.
Hindi ko alam kung bakit.. pero.. pumikit na lang ako at inilagay ang mga braso ko sa balikat ni Damon. Ganito pala talaga 'yon. Iyong kahit gusto mong manulak pero hindi mo magawa kasi nanghihina ka. Tapos kumakalabog pa ang puso mo at nalalasing ka. Iyong nawawala ka sa sarili mo at nakakalimutan mo ang buong pagkatao mo.
"Porn!" may narinig akong sumigaw na parang ang lapit lang.
Unang bumitaw sa halik si Damon kaya naiwan akong naka-hang over pa at nakaawang ang bibig at nakapikit. Nakapatong pa ang braso ko sa balikat niya kaya napangisi siya at agad kong kinompose ang sarili ko. Get your shits together, Avery Katerina Valderama!
Nakita ko ang tatlong lalaking naka-payong at nanonood sa amin. Nakatayo ang mga ito sa harapan at nakangising-aso. Really?
"Go to hell!" tumatawang sigaw ni Damon at nagsitakbuhan naman ang mga lalaki habang nagtatawanan pa rin at nababasa dahil sa likot.
Nakaupo kami sa sahig ng Luneta at basang-basa. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya.
"Oh my gosh, oh my gosh..." I mumbled.
"May papatong-patong pa.." sumipol si Damon kaya tinitigan ko siya ng masama. "Oh, bakit? Ikaw ba ang sinasabihan ko?"
"F*ck you." minura ko siya at nagtakip ulit ng mukha.
Napahiya na nga ako (syempre hindi ka nahiya dahil gusto mo 'yon), pero ganyan pa rin ang gagawin mo?
"Yeah, f*ck me." humalakhak siya at kumindat. Tumindig ang mga balahibo ko at unti-unting ginapangan ng hiya.
Tinitigan ko ulit siyang nakangisi at nakataas ang kilay sa akin.
"You, pervert.." nanliit ang mga mata ko.
"Why?" mas lalo siyang ngumisi
"Ang green ng utak mo. Bastos! Manyak! Lintik ka! Ginusto mo pa talagang may makakita sa atin, no? Karmahin ka sana!" minura ko pa siya at ininsulto dahil sa kahihiyan ko kanina.
Sa kalagitnaan ng pagsasalita ko ay napansin kong mapupungay ang mga mata ni Damon at hindi nakatingin sa mga mata ko, kundi sa labi ko.
Kinagat niya ang lower lip niya at mukhang puyat na nakatitig sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...