46 : You won't

865 9 0
                                    


"Mom, nasa pasalubong center po ako..." Sabi ko sa aking cellphone habang inilalapag ang isang bote ng C2 sa counter.

"Okay, we'll just meet you there." Narinig ko ang pagngiti ni mommy mula sa kabilang linya. Nagpaalam na ako at ibinaba ang telepono para mag-reply sa mensahe ni Damon.

From: Damon Valdez

You really don't want me to come over and meet your parents?

Mabilis ang aking pagta-type dahil marami akong dapat sabihin, ngunit hindi ko na iyon kinumpleto. Masyado akong tinatamad sa mga oras na 'to.

To: Damon Valdez

I already told you! My brother will punch you, for sure. Sa susunod na nga lang. I'll find some time where my brother's not around. 'Wag kang makulit.

Lumabas na ako sa pasalubong center at naupo sa mga silyang nasa tapat non. Tinitingnan ko ang mga tao at hinihintay na makita ang aking mga magulang at si Kuya.

Ngayon ang dating nila at narito ako, nagsasayang ng oras para maghintay, kahit na pupwede naman silang magpasundo sa aming driver.

Nang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang mensahe ay naaninag ko na ang puting bag ni mommy. Humaba ang kanyang buhok habang si daddy naman ay halatang bagong-gupit. My brother's lips were pursed into a thin line.

Agad akong tumayo at inalalayan sila. Ilang buwan na rin ang lumipas simula noong umalis sila para sa trabaho. I missed them, to be honest.

Kinuha ko ang kulay purple na luggage na siguro ay kay mommy at ako na ang humila nito.

"Kamusta ang hotel?" Tanong sa akin ni daddy habang nasa byahe kami pauwi.

"Maayos naman po. Marami ang nagpapa-reserve ng rooms at maraming nagkomento tungkol sa kagandahan ng facilities." Sagot ko at tiningnan pabalik ang aking Kuya na nasa gilid ko.

Tumango lamang si daddy at pumikit na. Siguro ay may jetlag ang mga ito at pagod na pagod.

Nag-iwas ng tingin si Kuya at nagtaas ng dalawang kilay. I think he's pissed or what. I'm sure na hindi niya alam na kami na ni Damon kaya malabong magalit siya sa akin ng dahil doon.

Dinungaw ko ang aking cellphone at binuksan ang kanina pang mensahe ni Damon. I'm sure he's still convincing me to let him come over.

From: Damon Valdez

Alright. Some time, then.

Ngumiti ako dahil sa nabasa. Buti naman at hindi niya na ako kinulit, kung hindi ay mababatukan ko siya.

To: Damon Valdez

Good. I'll text you as soon as I get home.

Mabilis ang kanyang reply. I like it. I feel special when someone texts me back immediately.

From: Damon Valdez

Take care. I love you.

Hindi na ako nag-reply pabalik. Nagkagat-labi ako para mapigilan ang pagngiti. Narinig ko ang tikhim ni Kuya sa aking tabi kaya mas inilapit ko ang cellphone sa akin. The butterflies in my stomach have gone wild.

"Galit ka?" Tanong ko. Malapit na kaming makarating sa aming subdivision at ngayon ko lang siya kinausap dahil inakala kong siya ang unang kakausap sa akin.

Umirap lang siya at hindi ako inimikan. Now, I got pissed, too. Ayaw ko ang hindi ako pinapansin kaya umirap na rin ako. Bastard.

Nang nakarating ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Nagpahinga si mommy at daddy dahil anila'y pagod daw sila habang si Kuya naman ay ganoon din ang ginawa.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon