37 : Preparation

947 14 0
                                    


"Yeah, alam ko. 'Di mo na kailangang sabihin. At may atraso ka pa." umirap ako.

Okay, can I just continue eating now? Ang istorbo naman nito.

"I know, baby. I just wanna remind you." halakhak ni Jarvin sa kabilang linya, binabalewala ang sinabi kong atraso niya.

'Yong sinabi niya kay Vis?

Napakabastos talaga nito. Just.. really?

"And don't call me 'baby', Vin. Hindi kita boyfriend." sinubo ko ang baked mac na napapanis na dahil sa tagal ng pakikipag-usap ko sa pinsan ko.

Joke, kakain ba ako ng panis? Like, ew.

"Boyfriend lang ba ang pwedeng tumawag sa'yo ng 'baby?' Ew, Ave. We're cousins. Don't you ever think of that."

"Hindi naman. Naiirita lang ako sa tawag mo sa akin." Tumawa ako ng peke. "But, seriously, bakit ka ba kasi tumawag?" Tanong ko.

"Wala lang?" patanong niyang sagot.

"This is bullsh*t!" binitawan ko ang tinidor na hawak ko. "Gutom na gutom ako at pagkatapos ay sinayang mo ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo at ganito lang ang mapapala-"

"Yeah, shut up, Avey. Ingay mo." halakhak niya.

Pinatay ko na ang linya.

When I arrived home, diretso akong nag-shower at nagluto ng dinner ko. Just baked mac. Hindi porket gutom ako ay magpapakababoy na ako. I'm not like other people.

Pero sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang tumawag si Jarvin para ipaalala sa akin na bukas na ang Christmas Eve.

Am I dumb? Of course, not.

Pagkatapos kumain at hugasan ang kinainan ko ay nanood ako saglit ng tv.

"Bo-ring." humikab ako at nagpatuloy sa paglilipat-lipat ng channel.

Nanood na lang ako ng Phineas and Ferb. Well, HBO has the ugly movies tonight.

"Ang pangit." at inilipat ulit sa ibang channel.

Naumay na ako kaya umakyat na ako sa kwarto.

Umupo ako sa kama at sinuklay ang buhok ko. Pinagmasdan ko rin ang dalawang box na pinabuhat ko pa sa guard namin kanina papunta rito sa kwarto ko. Maybe I'll visit my new office in Crown Regency after Christmas.

Biglang kumanta ng isang maingay na kanta ang phone ko. Damn, I hate him.

"Anong kailangan mo?" nilagay ko ang hairbrush sa side table ko.

"Kayo na ba?" malamig niyang tanong.

"What's your point, Garret?" umirap ako.

Yes, Garret "Walang Modo" Garcia.

"Kayo na ba?" ulit niya.

"Anong pakialam mo?" tumaas ang tono ng boses ko.

"Damn, Avery. Don't answer my question with another question." wika niya. "Kayo na ba ni Damon?"

Minura niya ba ako?

"Hindi." Hindi pa.

"Good." aniya at pinutol na ang linya.

Anong 'good' ang sinasabi niya?

As if naman na kapag hindi kami ni Damon ay may pag-asa siya.

Like, duh? I'm not cheap.

Garret's just handsome and hot, but he doesn't have something that Damon has.

Ngumuso ako at tinitigan ang mukha ko sa salamin.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon