49 : Isip

1K 12 0
                                    


Habang hinihila si Damon paalis ay kinuha ni mommy ang aking kamay. Nanlambot ang aking puso nang nakita ang frustration sa kanyang mga mata. Buo ang loob kong umalis ngunit ngayon ko lang naisip kung ano rin kaya ang desisyon ni Damon at kung ano ang mararamdaman ng aking pamilya.

"Pwede pa natin 'tong pag-usapan..." Nabasag ang boses ni mommy.

Suminghap ako at binalingan si Damon. Tumango siya sa akin. Sumunod kong tiningnan ang aking ama at kapatid. Their expressions remained the same. Matigas at makikita mong handa sa kahit ano.

Nang binitawan ni mommy ang aking kamay ay sumunod ako sa kanya papasok ng bahay. I don't know what to say. Hindi ko alam kung paano at saan ko sisimulan.

"Kahit pag-usapan 'to ay hinding-hindi ka maaaring maging parte ng buhay ng kapatid ko." Matigas na sambit ni Kuya. Nakahalukipkip siya sa tabi ng aming couch na kinauupuan ni mommy at daddy. Nakaigting ang panga ng aking ama habang nakatitig kay Damon. Will they just stop it for fuck's sake?

"Stop it, kuya."

"Why are we even here? Wala namang mangyayari. Kahit umalis ka pa kasama iyang nobyo mo ay mahahanap-"

"Aaron, calm down. Your sister's boyfriend is not here for an argument." Hinawakan ni mommy ang braso ng aking kapatid upang mahinahon ito. Inirapan ko lamang si kuya nang nagkatinginan kami. Kung hindi ka sana nakikialam at nag-iinarte ay pareho tayong nagpapakasaya. Bobo ka kasi.

"Not here for an argument but for money-"

"You think I'm here for your money? Kung pera lang ang habol ko ay matagal ko nang pinormahan ang kapatid mo. Pero hindi ko ginawa dahil nakita kong masaya siya sa piling ng iba. But now that I've got my chance, hindi ko sinayang. You know how much I love your sister, Aaron. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang nagawa ng kapatid mo sa'yo para ipagdamot mo ang kasiyahan niya." Putol ni Damon sa sinasabi ng aking kapatid.

"How can you be so sure that my sister is happy with you?"

Suminghap ako at pinigilan ang aking sarili sa pagbabato ng kahit ano. I didn't know that my brother could be an asshole to the highest level. Mas mataas pa sa Mount Everest.

"Paano mo naman nalaman na hindi ako masaya? 'Wag mong sabihin sa akin na manghuhula ka na?" Sabat ko. Hindi kasi nagsalita si Damon. Yes, he's brave. Pero hindi siya 'yong tipong matapang na ipagdidiinan ang kagustuhan o ang opinyon niya.

Umigting ang panga ni Kuya. This can't be talked over according yo my brother's personality. Nang muli niyang tiningnan si Damon ay umaapoy ang galit sa kanyang mga mata. Sinugod niya si Damon at hindi ko siya napigilan dahil sa kanyang lakas.

"Oh my god!" Napatakip ako ng bibig nang nakita kung paano bumagsak si Damon. Pwede bang kahit sa ngayon lang ay ipagtanggol niya ang sarili niya? Pwede bang kahit ngayon lang ay lumaban siya para sa kapakanan niya? Dammit!

My mother was trying to stop Kuya. Maging siya ay naitulak ng kapatid ko kaya dinaluhan ko siya. Si daddy ay nawala na sa kanyang kinatatayuan kanina. Everything's just fucked up!

"Kuya! Tama na!"

Nagulat siya nang makita ang luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata.

All my life, hindi ko siya kinalaban. Hinayaan ko si kuya. Hinayaan ko siya kahit na alam kong may alam siya tungkol sa ginawa sa akin dati ni Jaden. Noong una ay akala ko gagawa siya ng aksiyon. But he did nothing. Parati ko siyang pinagbibigyan ngunit ngayon ay hindi ko alam kung bakit kahit ito lang ay pinagkakait niya pa sa akin. I just wanna be happy. Gusto ko lang namang maramdamang may nagmamahal sa akin. Gusto ko lang maranasan na may minamahal ako na mahal ako pabalik. Yes, Quinn loves me. But I know the day will come na aalis din siya at mawawala sa tabi ko. Not for long, but I know na darating ang araw na hindi na ako ang takbuhan niya dahil may taong nandiyan para sa kanya upang matulungan siya sa lahat ng bagay. 'Yong kaibigan at ka-ibigan at the same time.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon