10 : Like

2.1K 34 1
                                    


Pagkarating namin sa park ay agad akong bumaba at huminga nang malalalim. Nang makababa si Quinn ay ngumiti siya sa akin at nagtaas ng kanyang mga kilay.

"What's with Damon Valdez, Quinn?" agad kong katanungan habang humahalukipkip.

"Wala, "matipid niyang sagot.

"How come you know him?" pagpupumilit ko pang makakuha ng anumang kasagutan.

"I don't know?" patanong niyang sagot sa akin.

Ayaw pa kasing diretsuhin! Ano nga ba ang mayroon kay Damon at kumukulo ang dugo ni Kuya sa kanya?

Don't get me wrong, I'm not that interested about finding out. Well, kinda.

"Seriously, Quinn?" irap ko at naglakad patungo sa sea wall.

Nagtaka ako kung bakit medyo natagalan si Quinn. Pagdating niya doon ko lang nalaman.

"Stop being cranky, Avey. Happy birthday," aniya sabay abot ng stick na may fishball at baso ng mango shake, nakangisi.

"Is that even clean?" nginiwian ko ang pagkain na inaalok niya.

"Of course, Ave. Hindi porket 'street food' ang tawag diyan, kasing dumi na yan ng street," ngumiwi siya sa akin. "Just take it! Bilis!"

"Okay, fine," I rolled my eyes at kinuha na ang stick ng fishball at mango shake mula sa kanya.

"So, ano ba ang meron sa inyo ni Damon Valdez?" Nagngiting-aso si Quinn nang makuha ko na ang pagkain.

"Wala!" I said with a smug look. "He's just and acquaintance," dagdag ko pa.

"Acquaintance lang nga ba?" sinundot niya ang tagiliran ko.

"Stop it, Quinn. You're creeping me out," sinimangutan ko si Quinn at ipinatong sa sea wall ang baso ng shake.

"Ay sus! Come on, Avey! Spill!" Sinundot-sundot niya ang aking tagiliran.

Sarkastiko akong humalakhak, emphasizing every 'ha.' She's such a big tease. Akala ko naman ay makakakuha ako ng impormasyon sa kanya.

"I'm your bestfriend!" Niyugyog ni Quinn ang aking balikat. "You can tell me everything!"

"Duh, Quinn!" inirapan ko siya at naglakad patungo sa isang stand na may mga stuffed toys.

"Hey, what that's?" Dinig kong tanong ni Quinn. Siguro ay nakasunod siya sa akin but I didn't get the chance to pay too much attention dahil sa kanyang sinabi.

Humagalpak ako sa tawa, "Gosh, Quinn! 'What that's?'"

Halos maiyak na ako sa katatawa at batid kong pinagtitingan na ako ng ibang tao. Si Quinn naman ay umiismid na at tila ba gusto na akong itakwil bilang kanyang kaibigan.

"I'm sorry," umirap siya. "I meant, what-"

"That's?" pagpapatuloy ko, nakangisi na lamang at nagpipigil ng tawa.

"Really, Ave? Pinagtatawanan mo na ako?" nilagay niya ang takas niyang buhok sa likod ng kanyang tenga. She pouted and made her brows furrowed, just like a kid would do.

"It was just so funny!" Muli akong natawa nang maalala ang kanyang sinabi at ang tono ng kanyang pananalita. "You should've seen the look on your face when I turned around."

"Silly," umiling siya at nasapo ang kanyang noo nang madrama.

Tawa pa rin ako ng tawa hanggang tuluyan kaming makarating sa stand na may nga stuffed toys. Napunta ang aking tingin sa isang bear na kulay brown at pulang ribbon sa kanyang leeg. Ano yan? Chocolate cake?

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon