47 : Go home

964 12 0
                                    


"I don't know. Imposible namang ikaw o si Quinn!" Pumangalumbaba ako sa counter ng kanyang kusina.

I told my family that I'll be leaving for Quinn's place, but I'm actually here at Damon's. Hindi ako pumasok ngayon at ganoon din siya. Well, I really don't need to go to my office everyday. Sinabi ko rin kay Quinn na kapag hinanap ako sa kanya ay sabihing kasama niya ako.

"Why don't we just go public? I'm starting to think that you really don't love me." Bahagya siyang tumawa at niyakap ako mula sa likod.

Umismid ako at siniko siya. Seryoso na nga ako at lahat, ganito pa rin siya. May mga sinasabi naman siyang makakatulong, but most of it are jokes.

Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. He kissed me once kaya siniko ko pa ng mas malakas. Malandi ang puta kahit na nandito ako para humingi ng tulong sa problema namin tungkol sa kapatid ko.

"Stop it, will you? Kung may itinulong ka lang sa akin ay masisiyahan pa ako." Umirap ako at umayos ng pagkakaupo sa high chair.

"I can talk to Aaron if you want. Pwede kong sabihin sa kanya na tumigil na siya dahil nakaraan na iyong mga nangyari." Sabi niya.

"And you think he'll listen to you? Think, Damon." Pumikit ako dahil sa katangahang kanyang sinabi. Nang dumilat ay kinalas ko ang kanyang nga brasong nakayakap sa akin. Iniwan ko siya sa kusina at sumalampak sa sofa. Sumunod siya at umupo sa tabi ko.

"I'm serious. Ayos lang sa akin na basagin niya ang mukha ko. I can handle it." Kinuha niya ang aking kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya, "You really think you could handle my brother? He's stubborn. Lahat ng ginagawa niya ay tama sa paningin niya."

Nagkibit lamang siya ng balikat at sumandal sa sofa. Napabuntong-hininga ako. For sure, mom and dad already know that I have a boyfriend when I get home. Hindi na rin ako magtataka kung paano nila malalaman.

"I don't really care, you know. Kakasimula pa lang natin at biglang may sisira na? Don't tell me you'll give up easily, 'cause I won't let you..."

Nilingon ko siya. Matalim ko siyang tinitigan, "You think I'll give up that easy? Kasi kung susuko na ako, dapat sa simula pa lang ay itinulak na kita palayo. Pero anong ginawa ko? Minahal kita pabalik, hindi ba?"

Umirap ako. Nakakagago dahil alam niya namang mahal ko siya, pero gustong-gusto niyang paulit-ulit ko iyong sinasabi. Kulang na lang ay i-record niya ang boses ko habang sinasabihan siya ng "I love you."

Binalot niya ako sa isang mainit na yakap. Hinalikan niya ang ulo ko at bumulong, "We can work this out together, okay? I promise."

Tumango ako. Simula pa lang ito ng pagsubok at alam kong kakayanin namin 'to.

Tumayo ako, "Alis na'ko. I need to go home and clear some things up with my brother."

Bumaling siya sa wall clock at tumuwid ng pagkakaupo. Bahagyang nagkasalubong ang kanyang kilay.

"It's still early..."

"And I have to go." Pinandilatan ko siya habang dinadampot ang aking shoulder bag sa coffee table.

Ilang segundo siyang natahimik bago tumayo at kinuha ang susi para sa kanyang kotse mula sa isang drawer. Agad akong umiling.

"I have my car, Damon." Mariin kong sinabi.

Ngumuso siya at tamad na ibinalik ang susi sa pinagkuhanang drawer. Kinuha niya ang aking shoulder bag at hinayaan ko na lang siya. Nagkatinginan kami bago siya naunang maglakad at pinatay ang mga ilaw ng kanyang condo.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon