50 : Aalis

1.8K 15 0
                                    

Hi po :) This is the last chapter before the Grand Finale. Salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Kahit tahimik kayo, masaya na akong nakikitang may reads ang bawat chapter xD Ajuju drama ko.

* * * *

"Ayos lang ba? Gusto ko silang makausap, eh."

"Yeah..." Tumango siya at ngumiwi. "Ang sakit pa rin."

"Ng ano?" Kinunot ko ang aking noo. Anong masakit?

"Dito, pati dito, tapos dito pa," isa-isa niyang itinuro ang mga pasang natamo mula sa aking kapatid. Oh, that asshole.

"Hindi ka naman kasi lumalaban, kasalanan mo rin." Pabiro ko siyang sinapak sa braso bago mahiga. Alas sais y media pa lang at alas otso darating sina Jarvin. I still have an hour and a half to prepare. Pero ngayon ay gusto ko munang humiga.

Tumabi sa akin si Damon. He wrapped his arms around me and kissed my forehead, "I'm sorry."

"For what?" Tumingala ako. Gumalaw ang kanyang Adam's Apple dahil sa paglunok. Ang gwapo niya talaga.

"For giving you a hard time. Siguro kung hindi kita nilapitan, hindi magkakaganito ang lahat."

"'Wag ka ngang magdrama," nakangisi ko siyang sinapak. "Stop talking, okay? Mag-iisip muna ako. Maingay ka."

Tumalikod ako mula sa kanya. I closed my eyes when I felt his hug. Gusto kong manatili munang ganito. I just wanna cherish the moment while it's still here. Habang hindi pa nawawala, lulubus-lubosin ko muna.

Wala kasing forever kaya alam kong mawawala rin 'to. Hindi ako bitter dahil may love life ako.

Nang nakitang 7:00 na ay pareho kaming bumangon. Hindi na ako nagbihis kundi naglagay na lang ng powder sa mukha at nagpusod ng buhok.

"You won't wear something... more presentable?" Tiningnan niya ang kabuuan ng aking suot.

"This is presentable. At mga pinsan ko lang naman iyon at si Quinn, Damon. I don't mind," naiiling kong saad.

"Well, I do," Nakita ko ang bahagya niyang pag-irap. "If you don't want me to take you right now or while you're talking to them, change. Magbihis ka ng pajama o kung anong mahaba."

Uminit ang aking pisngi. He smirked nang natahimik ako. Iniwan niya ako roon para makapagbihis. Ang pang-ibaba lang ang pinalitan ko.

It was almost 8:10 when we heard a knock. Narito na sina Jarvis, pati si Quinn.

"I missed you! Kamusta ka na?" Sinalubong ako ni Quinn ng isang yakap. Tipid lang akong sumagot at naupo na kami sa living room. I offered them snacks para naman maging mabait kuno ako.

"Wow, nagbabahay-bahayan yata kayo? Look at Ave, parang housewife!" Quinn tried to lighten up the mood. Hindi ko alam kung bakit seryoso ang mga mukha ng tatlong magkakapatid - Ate Yella, Jarvis, and even Jarvin. Usually, maingay si Jarvin ngunit ngayon ay seryoso siya.

"So, what's your plan? Dito ka na?" Humalukipkip si Jarvin habang nakatingin sa akin.

"No!" I shrugged. "Kanina ay galing kami sa bahay pero, like the usual, kuya and dad got mad so I think I have to give them more time."

"Paano kung ganoon pa rin pagbalik niyo?" Jarvis spats.

"Well, then I have no choice but to leave. Kahit na i-block nila ang cards ko, o kunin man lahat ng mana para sa akin, I still won't change my mind. I can always do any work without them."

Tumaas ang kilay nito sa akin. "You think na titigilan kayo ni Aaron? Knowing your brother, he's a total asshole. If he wants to destroy something, he'll do everything..."

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon