27 : That Devil

1.2K 18 0
                                    


Today is Saturday.

Anong gagawin ko? It's so boring. Pero mas boring pa rin ang mukha ni Mr. De Leon na parang nilukot na papel sa dami ng guhit.

Am I being so offensive? Kung oo, kasalanan mo na kung bakit 'yon ang iniisip mo. I'm just telling the truth at marami pang mas maldita sa akin diyan.

Nakahiga lang ako ngayon. Tinatanaw ang kisame na kulay blue, dinudungaw ang cellphone na walang ni isang message na natatanggap. Haay. Boring.

Nagfacebook nalang ako at tinignan ang newsfeed.


Quinn Lianna Mendoza

14 hours ago

The way to be loved back is to be yourself. I mean, paano ka nila mamahalin if you're just pretending to be someone na hindi naman talaga ikaw? Siguro, may magmamahal sa'yo nun. Pero, duh! Mahal ka nila bilang ibang tao. Hindi bilang ikaw. Kaya, stop trying to be perfect and just accept your imperfections.



Nga naman. Kahit kailan talaga si Quinn.

I saw a lot of nonsense kaya nag log-out na ako.

Bumuntong-hininga ako at tinignan ang digital clock sa gilid ng kama ko. 8:27 A.M. Kanina pa ako nakahiga. 3 or four hours? Maaga rin kasi nagising, eh.

Umupo ako sa kama ko at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto ko. Light blue ang kulay nito at may halong white and black. Black ang closet, white ang bookshelf, at may mga nakapintang organic designs sa dingding. May mga pictures ding nakasabit sa gilid. Mga pictures noong mga bata pa kami, noong debut ko, graduation, at noong nag-prom ako at date ko si Jarvis Fuerte, ang pinsan ko. Ang awkward nga nun, eh. Anak siya ng kapatid ni mom at siya 'yong date ko sa prom.

Siya 'yong ka-date ko noon dahil pareho kaming walang natipuhang maka-date. May pagkasuplado rin kasi 'tong tinotopak kong pinsan. Nung sumayaw kami, kinurot ko nga siya kasi ayaw niyang umayos.

At alam niyo ba kung ano ang sinabi niya?

"That's bad, Ave. Don't think about incest."

See? Feeling! Mahangin! Gwapo naman siya at lahat. Pero, incest? What the fuck?

May kapatid si Jarvis. Twin, to be exact. Si Jarvin, manyak at playboy. Kabaliktaran ni Jarvis. May ate rin sila. Si Ate Jarviella, fashionista, maldita. Just like me! Too bad nasa Boston sila ngayon. Sila lang tatlo. Nandito kasi sina tito and tita. But I think they'll spend Christmas here.

Nabalik lang ako sa ulirat nang biglang nag-ring ang phone ko.

Pagtingin ko, si Quinn.

"Ave!" tili niya sa kabilang linya. Thank God I'm not deaf!

"Ano?!" sigaw ko rin.

"Grabe, ah." tumawa siya.

"What do you want?" Iritadong tanong ko.

"Gimik tayo mamaya? May party si Nigel." sabi niya.

"Sinong Nigel?" Kumunot ang noo ko.

"Nigel! Nigel Castro! 'Yong MVP ng school natin dati!" Ah. 'Yong mayabang?

"Anong klaseng party?" Tanong ko pa.

"Parang reunion, ganon. So, we'll go?" Sagot niya

Isipin ko muna... Sige. Tutal, boring naman.

"Sure. What time?" Tanong ko pa.

"9 pm. Pupunta ako diyan." rinig ko ang excitement sa boses niya.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon