Sobrang traffic pauwi. Tss. Ba't ba ang dami-daming bumibili ng kotse ngayon e ang papangit naman ng mga pinipili? Pinatakbo ko na ang kotse ko nung nag 'go' signal na. Lumiko ako sa isang kanto. And here I am, Home Sweet Home. Scratch that, Home Bitter Home.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbihis na ako at kinuha 'yong iPad ko. As if may gagawin naman ako sa baba. Nag-open nalang ako ng Facebook account ko. Nag-post ako ng status.
"Many people may come in and out of your life. But only true friends leave footprints in your heart."
Pagkatapos kong magpost, nilagay ko sa gilid ang iPad at pumikit. Ilang sandali, minulat ko ulit ang mga mata ko. Ayaw akong dalawin ng antok. What will I do now? Bumalik sa office? No. Bumaba? No way. Ah, I know. Pupuntahan ko nalang si Quinn.
Kahit malapit lang ang bahay nina Quinn, ginamit ko parin ang kotse ko. Like, duh! Why would I ride a jeepney? Mausok kaya!
Kumatok ako ng tatlong beses bago 'yon buksan ni Quinn.
"Hi, Ave!" kumaway siya. Inirapan ko nalang siya at tuluyang pumasok sa bahay niya.
Malaki ang bahay ni Quinn. Oo, sa kanya. Sa kabilang bahay kasi yung mom and dad niya.
"What brought you here, Avery Katerina Valderama? Ba't di ka pumasok sa office?" Sunod-sunod na tanong ni Quinn.
"Tss. For your information, pumasok ako-" pinutol niya yung sasabihin ko.
"Eh ba't ka nandito kung pumasok ka? Ano 'yon? May kambal sa tuko ka?" tinaasan niya ko ng kilay.
"Pumasok kasi ako. Nakita ko si Damon Valdez." pagkabigkas ko sa pangalan ni Damon, ngumising-aso si Quinn. "At saktong dumating yung bago kong employee na si Garret na pinsan pala ni Damon."
"Garret? You mean, Garret Garcia?" pumungay ang mga mata niya.
"Yeah." I rolled my eyes.
"Kwento pa dali!!!" umakto si Quinn na parang nagfo-focus.
"Tapos, ewan ko ba kung naka-shabu o rugby itong si Garret, sinugod niya si Damon at sinapak." Umupo ako sa sofa.
"OMG! Sira na mukha ni Demonyo- este -Damon?" tanong ni Quinn.
"Hindi naman. Pero, habang nagsusuntukan sila, sumigaw si Damon na magpinsan sila. Si Garret naman, sinabihan niya si Damon na matagal niya nang nakalimutan na magpinsan sila. Parang nasa drama, ang OA! Kaya nabwisit ako at umalis." Huminga na ako. Whew.
"Ahh." tumango-tango si Quinn.
"May juice?" Tanong ko.
"Yup. I'll be right back." sabi niya at pumunta sa kitchen.
Binuksan ko ang tv at nanood sa Disney Channel. Bawal ba?
"Here." nilapag ni Quinn ang baso at pitcher ng Nestea.
Hindi na ako nagsalita at uminom nalang ng juice nang nagtanong si Quinn.
"New employee mo si Garret Garcia?"
"Oo. Ba't mo siya kilala?" tanong ko rin.
"La lang. You know, schoolmates natin siya noong highschool. Sila ni Damon, to be exact. Popular kaya sila sa school!" sabi niya.
"Oh? Popular? 'Di ko nga sila kilala eh." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh kasi naman, puro ka nalang aral. 'Di ka na updated tungkol sa social life ng school." she rolled her eyes.
"Ah, basta. Hindi sila popular. Popular eh di ko naman kilala. Tss." nilagay ko ang baso sa coffee table.
"Edi hindi." Umirap siya.
A few hours later, umuwi na ako.
"Home bitter home." bulong ko sa sarili ko pagpasok ko.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...