11 : The Tragic Birthday

2K 35 0
                                    


He likes me?

"Wag ka nang magkunwari, Damon. I know your true colors," tinuro ni Kuya si Damon.

"Alam ko. But what you don't know is, I've changed," sabi ni Damon at hinawi ang kamay ni Kuya.

Nagmura si Kuya at kaagad akong hinila papalayo. Mabilis namang sumunod si Quinn. Si Damon, sumunod din.

"Aray, Kuya! Nasasaktan ako," sabi ko habang hinihila ni kuya, mahigpit ang hawak niya.

Nilingon ako ni kuya at tumigil siya. Galit na galit siya. Bakit?

Napansin ni kuya na sumunod si Damon kaya binitawan niya ako at kinwelyuhan niya si Damon.

"Get f*cking off of my sight, Damon Valdez." sabi niya.

"I won't, dude." umiling si Damon. Galit na rin siya.

Akmang susuntukin ni kuya si Damon nang pinigilan ko siya.

"Don't, kuya." sabi ko habang hinahawakan ang kamao ni kuya.

"Wag kang makisali dito. Usapan namin 'to." Mahinahon pero galit na sabi ni kuya.

"Kasali ako dito. He's my friend." sabat ko naman.

"No, he's not." wika ni kuya at hinawi ang kamay ko.

Lumapit si Quinn at may binulong, "Stop them, Ave. Sayang ang mukha ng Damon Valdez mo!"

Tama nga siya, baka masira ang mukha ng Damon ko- este -mukha ni Damon.

Pagtingin ko, dumudugo na ang ilong ni Damon. Bloody hell, what's happening?

"Kuya!" sigaw ko. "Are you okay?" tanong ko kay Damon.

"Yeah." ngumiti siya habang nakatingin sa taas para hindi tumulo ang dugo.

"Kuya naman! Why are you doing this?" sabat ko kay kuya.

"Ikaw, why are you doing this?" tanong niya rin sa akin.

"Ang alin? Being friends with Damon? If that's your problem, I'm going to ask, what the hell is your problem?" tumaas ang boses ko.

"Di mo na kailangang malaman kung ano ang problema ko sa kanya!" tinuro niya si Damon na pinipigilan parin ang pagdugo ng ilong. "Don't be friends with him. You don't know him."

"Oo, kuya. Tama ka. I don't know him well. But, I think you don't have the right to judge who I am friends with." sabi ko at hinila si Damon. Kaya ayun, naiwan ang nakatungangang si Quinn at ang di-makapaniwalang si kuya.

Huminto kami sa may sea wall. Hinarap ko siya at tinignan. May pasa siya si kanang panga at parang tuyo na 'yong dugo sa ilong niya.

"I-I'm sorry sa inasta ni kuya." tinignan ko ang madilim na dagat.

"Hey, don't be sorry." sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Naka-shabu ka ba? Ba't ako 'di magso-sorry? Kita mo naman ang ginawa ng kuya ko. Kuya ko! Kuha mo ba?" sabat ko.

"Wag kang magsorry kasi 'di mo naman 'yon kasalanan. 'Wag kang magsorry. 'Wag. It makes me fall for you even harder." sabi niya ng nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Nagawa mo pang lumandi kahit madungis 'yang mukha mo." sabat ko sa kanya.

"Landi na ba tawag mo dito? 'Di ba pwedeng confession muna?" sabat niya naman na nagpangiti sa akin. Oo, I smiled.

"Confession tawag mo dyan?" tinaasan ko siya ng kilay. "It's not a sin, Damon."

"So pwede kitang magustuhan?" ngumiti siya.

Umiling ako. "That's not what I mean to-" naputol ang sasabihin ko kasi hinigit agad ako ng isang lalaki.

Pagkalingon ko, si kuya. Peste to, oh. Nangugulo ng buhay. He didn't even think that it's still- oh, 'di ko na pala birthday. 1am na eh. Well, I think it's enough. Sinira niya ang araw ko.

This. Is. A. Tragic. Birthday. Wait, NOT.

Kasi, masaya ako dahil kay Damon. Yep, sa bwiset.

Kuha niyo?

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon