Sunday. Church day. Family day. Rest day. Random day.
Para sa akin, random day ang sunday. I'm not religious to go to church. I don't have a family with me to bond with. I'm not lazy to rest. So, it's a random day.
Well, kahit hindi naman ako paladasal, magsisimba ako ngayon. No other choice. Pero one of the reasons na gusto kong magsimba is para magpasalamat ako kay God na kahit ako lang ang nag-hard work para sa kompanya namin, naka-abot kami ng 51 years.
Mabilis akong nagshower at nagbihis. Since malapit lang ang church, nakarating agad ako. Buti nga at kaunti pa lang ang mga tao at naka-upo pa ako sa 2nd pew.
Dito, wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng electric fan. Masyadong tahimik at boring. Pero, titiisin ko para sa pagpapasalamat ko.
"So let each one give as he purposes in his heart, not grudgingly or of necessity; for God loves a cheerful giver."
Nagsimula na ang misa at para sa akin, madali lang itong natapos. Madali lang akong nakalabas. It was boring. Very, very boring.
Naglalakad na ako papunta sa kotse ko nang may nakasalubong akong lalaki na gwapo, nakapolo na black, at may suot na malapad na ngisi. Si Garret. Garret "walang modo" T. Garcia.
"Oh, this is where you learn your good traits?" sabi ko.
"And this is where you learned how to be bossy and strict?" Tanong niya rin sa akin.
"Umayos ka, ah. Ano ba ang kailangan mo at lumapit ka? Magpapahatid? Ang kapal mo yata." umirap ako.
"Assuming mo, Ave. May ipapakita lang ako." Sabi niya. Ano daw? Ave? Aba bakit niya ako tinawag na ganon?
"Why are you calling me Ave? You're my employee!" singhag ko.
"Correction, I am your employee inside the office. Since nasa labas tayo, we're just equal." sabi niya. "May ipapakita pala ako."
"Ano?!" iritado kong sinabi.
"Wait there, okay?" sabi niya at nagmadaling pumunta sa isang Mitsubishi Montero. That's his? Ugly.
"Bagal. Parang uod na hindi marunong gumapang." I mumbled.
"Here." may inabot siya na brown envelope.
"What's that?" tinignan ko ang envelope.
"Envelope, malamang. Hindi mo ba kukunin?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Of course." sabi ko at kinuha na ang envelope at binuksan. Nakita ko ang mga pictures ma kinuha during our 51st anniversary sa office.
"Miss Lara gave it to me. Sabi niya ako na daw magbigay niyan sa'yo since close tayo." sabi niya habang tinitignan ko ang mga pictures. Andun pa nga 'yong ang saya-saya ni Damon nang natanggal sila at 'yong.... what the?! 'Yong magkayakap? Tinitigan ko ito ng sobrang sama bago 'yon binigay kay Garret.
"You want me to keep this?" nakangisi niyang tanong nang binigay ko sa kanya ang pesteng picture na 'yon.
"Of course, not. Throw it away. Hindi 'yan maganda." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagtingin sa mga pictures.
"No." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "I'll keep it."
"F you. Itapon mo nga 'yan! Kung hindi, ako ang magtatapon niyan." sabi ko.
Unti-unti na palang kumakaunti ang tao dito sa simbahan kasi tapos na ang pagsamba.
"Ipapaframe ko 'to." aniya habang nakangisi ng nakakaloko.
"Akin na nga 'yan!" sabi ko at babawiin na sana ang picture sa kanya nang itinaas niya ito at winagayway.
"Hey, guys! Check this out! Ang cute!" sigaw niya na naka-agaw ng atensyon ng iba habang winawagayway.
"Akin na sabi, eh!" sabi ko at sinubukan paring abutin ang picture. Nakahawak ang isa kong kamay sa dibdib niya kahit dala ko parin ang envelope at ang isa naman ay inaabot parin ang picture. Porke't mas matangkad siya kahit matangkad ako. At kasi naman, ano ba ang sumapi sa akin? Why did I ever give that picture kahit na alam kong hindi siya mapagkakatiwalaan?
"No! No! No!" tumatawa-tawa pa siya at tumatalon-talon kaya napakunot ang noo ko at tumigil na ako.
"Tumigil ka nga. Para kang bata." Sabi ko at nagpatuloy nalang sa pagtingin sa iba pang pictures.
"Awww, the devil's giving up." Pang-aasar niya. Tinignan ko siya ng masama bago magpatuloy.
Andito 'yong tapos na naming gawin ang mga designs. Sa wacky, isa-isa kong pinsadahan ng tingin ang mga empleyado kong naka-wacky. Wacky na nga 'yang mga pagmumukha niyo, nag-wacky pa kayo. Tumigil ang tingin ko sa sarili ko at napansin kong may tinititigan ako. At si Garret 'yon. Sh*t! Nakatingin pala ako sa kanya sa mga oras na 'yon!
Tinignan niya rin ang picture at sumipol. "Buti 'di ako natunaw."
"Sana nga natunaw ka na lang para wala ka na dito ngayon." Sabi ko naman at binalik na ang mga pictures sa envelope. Naglakad na ako patungo sa kotse ko at bago ko mabuksan 'yon, may umakbay sa'kin. Garret "walang modo" Garcia.
"Wala bang goodbye kiss?" nakangisi niyang sinabi.
"F you." sabi ko at hinawi ang braso niya at binuksan na ang kotse ko at pumasok. Pero bago ko masara 'yon, pinigilan niya 'yon kaya nairita ako. "Ano na naman?!"
Hindi siya nagsalita at dire-diretsong hinalikan ang pisngi ko at may naramdaman akong kuryente kaya tinulak ko agad siya.
"Pervert!" sabi ko't tuluyan nang sinara ang pituan ng kotse ko. Nilingon ko siya sa labas at nakangisi lang siya. Manyak!
Kahit bawal, pinaharurot ko na ang kotse ko dahil gustong-gusto ko nang umalis doon.
Nakakairitang Garret!
Nanghahalik! Ang landi! Ang haliparot! Manyak! Bastos! Nakakainis!
"Ang manyak niya!" hinampas ko ang manibela ng kotse ko kaya tumunog ang busina.
The world's against me?
Damn it.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...