Nang nakarating ako sa opisina, binati ako ng assistant kong si Lara."Happy birthday, Ma'am," ngiti niya sa akin.
Kaagad ko siyang pinagtaasan ng kilay, dahilan kung bakit napawi ang kanyang ngiti.
"Oh, nagpapalibre ka na naman," untag ko. "Excited, huh? Just wait."
"M-ma'am...." she stuttered. I'm not that dumb, girl!
"Is there any reason why you're here?" tanong ko.
Umiling siya at namutla. Oh right, she's scared.
"Kung ganoon, get the hell out of here," tumayo ako at iminuwestra sa kanya ang pintuan. Medyo high-blood kasi ang lola niyo.
Agad-agad siyang umalis. Kumunot ang noo ko nang maalala ang nangyari kanina.
Kuya Aaron:
Sorry, 'lil sis, can't chat with you this time. I'm busy. Nga pala, Happy 21st Birthday! We love you!
See? Ganyan, e. That's why I'm such a sore loser. Kahit once a year lang 'yong birthday ko, nagawa pa nilang magka alibi. Medyo galit ako kay kuya. I know it's not his fault that he's busy. But, my birthday is just once every year! Like, seriously?
Lunch break na sa office ngayon at... manlilibre na ako.
"Happy birthday, Ma'am!" ngumiti si Tania habang tintanggap ang ultimate burger steak na binili ko.
Ganyan sila, they only talk to me when it's my birthday. You know, para masali sa ililibre. I don't see any sincerity.
Tapos ko nang bigyan ang 156 namin na empleyado dito sa building namin.
Nginunguya ko ang fries ko nang may narinig akong pamilyar na boses.
"Valderama!"
Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Damon at ang dalawang guards na parang pinapalabas yata siya.
"Ma'am, sorry po. Nagpupumilit po kasi-" pinutol ko na ang sasabihin ng guard..
"It's okay. Let him come in."
Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga empleyado ko kaya pisadahan ko sila ng tingin. They immediately shut their stupid mouths. Bumaling na ako kay Damon.
"What? You wanna eat?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Tapos na ako. I just wanna greet you a happy birthday," ngisi niya.
Damn, this man is too handsome! Baka maging mabait na ako!
"And?" pagtataray ko.
"Happy birthday!" akmang yayakapin na niya ako nang pinigilan ko na siya.
"Don't touch me. We're not even friends."
"Then let's be friends!" nilagay niya ang kanyang mga kamay sa bulsa niya.
"You know, you're embarrassing," halos binulong ko na iyon.
"No, I'm not," ngumiti siya.
"You're too embarrassing," hinawakan ko siya at hinila papunta sa elevator upang makaalis.
Nang nasa loob na kami ng elevator, pinindot ko ang letrang G sa elevator habang hawak parin siya.
Umubo siya kaya tumingin ako sa kanya. Napatingin rin siya sa akin bago tumingin kung saan ako nakahawak. Sinundan ko ang tingin niyang 'yon at doon ko nalamang hawak ko ang kamay niya!
Nanlaki ang mga mata ko. Germs... again! Tumawa siya nang mahina bago magsalita.
"HHWW?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "What does that suppose to mean?"
"'Di mo 'yon alam? Holding Hands While Walking. HHWW," he grinned.
"F you! We're not HHWW! Kinakaladkad kita, if you notice!" Tatanggalin ko na sana ang kamay kong nakahawak sa kanya nang hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.
"Then let's hold hands while walking," he said in a serious tone, still smiling.
"N-no!" sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak niya. "Let go!" this time, nabawi ko na ang kamay ko. Pero in fairness, ang lambot ng kamay niya, to be honest.
"Ang ganda mo talaga."
Napatingin ako sa kanya. Ngiting-ngiti pa rin siya. What's with him? Is he crazy? Insane?
Bago pa ako makapagsalita ay tumunog na ang elevator, hudyat na nasa Ground Floor na kami. Mabilis kong nilakad palabas ang aming building habang nakasunod siya sa akin.
"Umalis ka na," I automatically said once we were outside.
"Di mo 'ko sasamahan?"
Bakit nagagawa niya paring ngumiti kahit na pinapaalis ko siya? What's with him?
"I c-can't. Nasa rule na bawal akong lumabas pag may tipon-tipon sa office," iniwas ko ang aking tingin. Baka mahalata niya na nagsisinungaling ako.
"Then let's break the rules," sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.
"W-what do you mean?" tanong ko.
"Come with me. Break the rules. It's your birthday," wika niya.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...