08 : Kuya

2.2K 34 0
                                    




"Oy!" sigaw nung tricycle driver sa kakilala niya.

Narinig ko iyon habang pauwi, patungo sa kotse ko. I was a bit curious kaya napatigil ako upang makinig.

"Oy ka rin!" sagot nung isang mukhang driver. "Musta pre?"

"Walang bago," nagawa pa nilang maghigh-five.

"Oo nga, pre! Pangit ka pa rin!" tumawa ang driver na naunang magsalita kanina.

"Anong sinabi mo?" tila agad na kumulo ang dugo noong isa dahil sa narinig.

I smirked.. I smell war. Okay, may pagka-chismosa din talaga ako.

"Hahaha! Ang pangit mo talaga pare!" umiling-iling ang driver habang tumatawa. "Para kang unggoy na may nguso ng bibe!"

Napailing na lamang ako at hinayaan silang magkapikunan. Baka madamay pa ako.

Pagkarating ko sa bahay, as usual, tahimik. Wala naman akong makakausap dito kaya umakyat na ako sa aking kwarto. Basa pa rin ako. Bwisit kasi talaga iyong Valdez na 'yon.

Inilapag ko ang isang basang teddy bear sa table ko. Naglaro kasi kami kanina ng darts, nakakuha kami ng prize. At ito 'yon, teddy bear. Sabi niya nga AveMon daw pangalan nito. Tss. Ano 'to? Doraemon? Bwisit talaga. 'Di ko maiwasang mapangiti at nagpasyang mag shower.

Pagkatapos kong mag-shower, bumaba na ako. At agad akong napasigaw sa aking nakita. Isang matangkad na lalaki ang nakatalikod at tila hinihintay ang aking pagbaba.

"K-Kuya?!" I said, obviously surprised.

"The one and only," nakangisi niyang sambit pagkaharap sa akin.

"Akala ko-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"I know," ngumisi si Kuya. Tama, si Kuya! "Surprised?"

"Malamang!" tumakbo ako papunta sa kanya upang mayakap siya. I missed him so much! May kuya na ulit ako! Teka, kailan ba ako nawalan?

Niyakap niya rin ako, "Did you take a bath?"

"Kakatapos ko lang," sagot ko.

"Ang baho mo," pang-aasar naman niya.

Pabiro ko siyang tinulak at sinimangutan, "Bumalik ka na sa London!"

"Kadarating ko lang," ngumisi siya at inilingan ako. "Pinapaalis mo na agad ako? Sayang pera!"

"Whatever, Kuya," irap ko. "Saan ka matutulog? 'Di maayos kwarto mo. Well, kailan ba iyon naging maayos?" binulong ko na lamang sa sarili ko ang huling pangungusap.

"Sa kwarto mo na lang. Sa sahig ka, ah?" ngumisi siya.

"Too rude. Ni hindi mo pa nga ako binabati," simangot ko.

"Hoy," tila ba may pumasok agad sa isip niya, dahilan para ituro niya ako. "Bakit 'yong Damon Valdez, lagi mong kasama?"

Binuka ko ang aking bibig upang magsalita, pero ni isang salita ay walang lumabas.

"Ano? Na pipi ka na? Swallowed your tongue?"

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon