40 : Stupid

912 13 0
                                    


Masaya ang Batangas get-away namin. Marami ring tao sa mga panahong iyon dahil Christmas Season. Nagloko na naman si Jarvin, malamig naman sa akin si Jarvis. Puro selfie si Ate Yella, kaya hayun at sandamakmak ang mga pictures namin na naka-tag sa akin sa Facebook. Medyo umitim nga kami dahil buong umaga kaming nag-swimming. Nag-Jet Ski pa kami at Banana Boating. Walang balak mag-overnight si Tita dahil aniya'y uuwi raw bukas si Tito. Kaya ang resulta, gabi na kaming nakarating sa metro. Hindi naman talaga as in na 'gabi.' Mga 6 pm or something.

At nakakita ako ng teddy bear and flowers sa labas ng gate namin. Hindi naman sa asumera ako pero alam kong galing 'yon kay Garret. Kaya hayun at binigay ko na lang sa guard namin. Para naman may maibigay siya sa asawa niya. And by the way, sa January 12 na babalik sina Manang kaya medyo masaya rin ako.

Habang nasa byahe naman ay nakangiti ako palagi dahil panay ang text ni Damon. Mga tukso naman ang inabot ko mula kay Jarvin. Tss. Ang walang hiya ay binubwisit na naman ako kanina. Pasalamat siya nasa good mood ako. Inasar niya pa nga ako dahil nakita niya ang necklace na may letter D. Tinanong niya ako kung ano ang meaning non at sinabi kong..

"Tss. Don't ask me the things you already know." inirapan ko siya ng nakangiti.

Nainis nga ako pagkauwi dahil nang hinalughog ko ang bag kong ginamit noon Christmas Eve ay nandoon pa rin ang bracelet ko. At ang mahadera kong panyo.

Now! Sa totoo lang, medyo excited din akong buksan itong mga 'to.

Binuksan ko na ang regalo na galing kay Quinn. Isang set ng Victoria's Secret na perfume. Gosh, this is one's expensive! Hahaha. Hindi pa naman ako nakapag-thank you ng maayos.

Sunod ko namang binuksan ang mula kay Tita. Balenciaga na bag ang natanggap ko. This. One. Is. Really. Expensive. Too!

Nagustuhan ko rin ang natanggap ko galing kay Ate Yella. Dalawang photo albums na may mga baby pictures namin. Actually, scrapbook siya dahil alam kong si Ate Yella lang ang gumawa nito.

Ngumuso ako habang tinititigan ang maliit na box na bigay ni Jarvis. Now, ano naman kaya itong bigay niya? Halos puro jewelries ang binibigay nito. Pero ear ring at ring ay hindi niya pa ako binibigyan. Just owl necklaces and braclets. Binuksan ko na iyon. Surprise! Isang golden ear ring na heart. And what does this mean? Never. Mind. Kung anu-ano na naman kasi ang naiisip ko. Sabi kasi nila na kapag binigyan ka ng isang tao ng ear ring, may meaning 'yon. And it's not a good meaning, for me. We're cousins, for God's sake! Siguro ay hindi niya lang alam ang meaning nito kaya ganon. Tama.

Halos mapamura ako nang binuksan ko na ang bigay ni Jarvin. Oh my gosh! That prick! Bigyan ba naman ako ng lingerie at dalawang box ng condom?! May nakasulat pang pangalan ni Damon na para bang ipinapakita na para sa kanya 'yong condom. Saan ko naman ito gagamitin? Gosh!

Sa kalagitnaan ng pagmumura ko at pag-aalburuto ay nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko ay may isang text si Damon. It flashed a smile in my face.

From: Damon Valdez

Done eating. You?

Tinignan ko muna ang clock sa gilid bago magreply. 7:30 na pala.

To: Damon Valdez

Hindi pa.

Medyo matagal ang reply ni Damon kaya habang naghihintay ay inilagay ko na muna sa gilid ang mga regalong natanggap ko.

Niyakap ko ang teddy bear na bigay niya habang humihiga at hawak-hawak ang cellphone ko nang nagreply siya.

From: Damon Valdez

Bakit hindi pa? Kumain ka na. Papayat ka niyan at sasakit 'yang tiyan mo. And.. If you wanna be sexy for me, 'di na kailangan. I'll still love you kahit ano ka pa. :)

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon