48 : To Fix

1K 10 0
                                    


Bago pa man makahakbang si Damon ay agad ko na siyang pinigilan.

"Mom, he'll be leaving!" Sabi ko kay mommy na mukhang hindi naman naniniwala.

"Don't be rude, Avery..." Wika ni mommy. I'm not being rude! I'm just trying to keep things in place upang hindi ito magkagulo.

Habang nanahimik kami ng ilang sandali ay naaninag ko ang aking kapatid na kalalabas lang sa aming gate. Nang matagpuan ng kanyang mga mata ang nasa aking likod ay nakita ko kung paano nagbago ang kanyang ekspresyon. Hinawakan ko ang kamay ni Damon. Damn it.

"What is he doing here?" Kalmado ngunit iritadong tanong ni Kuya.

"He's already leaving." Sagot ko bago pa man makapagsalita ang kung sino.

"I'm not." Ani Damon, na siya namang ikinagulat ko. "I'm not yet leaving. Pumunta ako rito para magkaliwanagan na tayo, Aaron. I really like your sister, and you know that. Matagal mo nang alam pero ayaw mo lang talaga sa akin."

Tumikhim ako at pinisil ang kamay ni Damon upang mapigilan siya sa pagsasalita. Nakita kong humalukipkip si mommy.

Humakbang papalapit si Kuya, "Sa tingin mo ba, na kapag kinausap mo ako, pwede na kayo ng kapatid ko? You will never be worthy enough to be with a Valderama, Damon."

"Damon, please... umalis ka na." Mahina kong sinabi kay Damon. Hindi niya iyon pinansin. He always listen to me, pero ngayon ay hindi siya nakikinig dahil alam kong gusto niya rin maging maayos ang lahat. But how would that happen if my brother is just so fucking pathetic?

"I love Avery so much, Aaron, ma'am," binalingan ni Damon ang aking ina na taas-noong nakatayo habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi ng kapatid ko sa kanya, but I'm sure it's not good. "Alam kong may mga nagawa akong mga pagkakamali kay Aaron. But I will do everything to deserve you daughter.-"

Bago pa man iyon matapos ni Damon ay mabilis na humakbang si Kuya papalapit para sugurin si Damon. Sinubukan kong pigilan si Kuya pero masyado siyang malakas. Sinapak niya sa mukha si Damon at pumagitna ako sa kanila, ngunit hinawi lamang ako ng aking kapatid. Hindi nagbalik ng suntok si Damon. Bakit hindi siya lumalaban? Shit!

"Oh, my god! Aaron, stop it!" Si mommy lamang ang nakapagpigil kay Kuya.

Hinihingal pa ang aking kapatid nang inalayo siya ni mommy at pinapasok na. Dinaluhan ko si Damon. Naaawa ako dahil pumutok ang kanyang labi at mayroon siyang pasa. This all my fault!

"I'm so sorry..." Paulit-ulit ko iyong sinabi kay Damon. Hinaplos ko ang kanyang pisngi ngunit ibinaba niya lamang ang aking kamay at tumayo.

"I'm fine. At least I tried." Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi havbang sumasandal sa nguso ng kanyang kotse. Ngumiti siya sa akin, "You might wanna kiss me? My lips hurt bad."

Naaninag ko ang aking amang kalalabas lamang. Mom is calming my brother down, I know. Nakita ko ang bahagyang gulat na mukha ni daddy nang nakita si Damon.

"Dad-"

"Good evening, sir." Pormal na bati ni Damon.

"Umuwi ka na sa inyo. Panigurado ay hinahanap ka na." Agad na naglaho ang dumaang gulat sa mga mata ni daddy. Tinitigan niya ako gamit ang kanyang malalamig na mata.

"Dad, this is Damon. My... boyfriend."

Alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon upang ipakilala si Damon kay daddy. Pero tutal ay narito na siya, ginawa ko na lang.

"I know," malamig na saad ni daddy. "Gabi na. He should get home by now."

Pagkatapos noon ay muli nang pumasok si dad. Akala ko ay manenermon pa ito ngunit hindi niya ginawa.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon