After that mall incident, nagpasya akong pumunta sa bay para maglakad at kumain ng ice cream. Even though I'm alone, I'm still happy. Sanay na akong wala si mommy at daddy. Busy sila sa pagpapayaman or should I say, pagtatrabaho.Hindi naman traffic kaya nakarating agad ako sa bay. Sunset kaya magandang magpalipas ng oras dito. Nagpark ako katabi ng isang Toyota Camry. What a cheap! Akin? Mercedes Benz lang naman. Nagpark ako katabi noon para ipamukha na super cheap niya.
Iniwan ko ang payong ko. 'Di naman siguro uulan.
Naglalakad ako papunta sa isang ice cream parlor nang may nakita akong babae na naka-shades, heels na yellow, at dress na green. Ano 'yan? Rainbow? O baka coloring book? Lumingon siya sa akin kaya umirap ako.
"Cheap," sabi ko habang umiirap.
Ang dami namang tao! Ngumiwi ako. God, sa sobrang sarap ng ice cream nila dito, kailangan ko pang pumila kasama ang mga cheap na taong 'to.
"Uhm.. ate, pwedeng pasingit?" tanong ko sa isang chinita na may mahabang buhok.
"Nope." umirap siya. What the..?
"Kuya, can I singit?" tanong ko sa isang lalaking mukhang butiki.
"In one condition," his smile gave me creeps.
"A-ano?"
"Can you be my fake girlfriend?" mas lumaki ang ngiti niya.
Gago? Ano, nasa isang istorya kami?
"Ay, wag na po. Sige, ah? Ayokong maging girlfriend ng isang butiki," medyo mahina kong sinabi ang panghuli.
"Anong sinabi mo?" medyo nagalit siya. Siguro narinig. Good for you to hear what's true!
"Ah, yun po? Sabi ko mukha kang-" may sumingit sa usapan namin.
Kinalabit ako nito at medyo iritado ko siyang nilingon. "Hey, gusto mong sumingit?" sabi ng isang lalaking gwapo na kasunod ni 'butiki boy' sa linya.
"No, thanks," inirapan ko siya.
"Sayang naman ang itsura mo kung pagpapawisan ka lang," nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang mga bulsa at ngumuso. Yabang.
Naka-black na v-neck siya at faded jeans. May naka sabit na earphones sa may leeg niya. His backpack lazily hung on his back. Not bad.
"Mas sayang ang ganda ko kung ikaw lang ang mapapangasawa ko," ni-head to foot ko siya bago ngiwian.
"Ah, kuya, dito na po siya sisingit," bumaling siya kay kuya butiki.
"O, sige..." tapos umorder na siya. Siya na kasi ngayon ang oorder. Si Mr. Unknown naman or Mr. Feeling Close din, kasunod na.
"Hindi pa nga tayo, asawa na ang nasa isip mo?" Tawa niya.
Napamura ako sa tawa niya, habang siya naman ay tumatawa parin habang tumitingin sa mga ulap na dumidilim. I guess it's goin' to rain. Wala pa naman akong payong. Kung bakit ko ba kasi iyon iniwan.
"I didn't know na ganito na pala ang effect ko sa mga babae," umiling-iling pa siya. "And guess what? Sa maganda pa!"
"Sir, ma'am, ano po ang order niyo?" hindi namin namalayan na nasa counter na pala kami.
"KitKat na Blizzard." sabay pa kami! Manggagaya!
"Sige po. Ano po ang name niyo, sir?" Nagpa-cute ang babae.
"Mr. Valdez. Ito namang maganda," tinignan niya ako kaya inirapan ko siya. "Mrs. Valdez, got it?"
Nanlaki ang mga mata ko at halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa narinig.
"Miss, I'm a Valderama. I barely know him. Wag kang masyadong papauto, ha? Valderama ang ilagay mo. Iyon."
"O-opo... Ms. Valderama." Nahihiyang untag ng babae at agad-agad na sinabi sa mic ang order namin. "KitKat Blizzard for Mr. Valdez and.. uhm..." napalunok siya. "Ms. Va-Valderama."
"Here," inabot ni 'Mr. Valdez' ang bayad bago bumaling sa akin. "My treat," at ngumiti.
Pumunta na kami sa gilid ni 'Mr. Valdez' or kung sino man siya. Nang medyo nakalayo na kami sa mga tao, agad ko siyang piningot.
"Ow!" pumikit siya. "Stop it, Valderama!"
Kung maka-Valderama 'to! Close ba tayo, ha? Who do you think you are para gumawa ng ganyan sa harap ng isang Valderama?
"Who the heck are you?" tinapos ko na ang halos 5 seconds na pagpingot sa kanya.
"Ang sakit nun, Valderama!" hinimas-himas niya ang tenga niya. "As I said, I'm Mr. Valdez."
"Full name, stupid." kinuha ko ang phone ko.
"Ah! Damon Vince T. Valdez." pagkatapos ay tumabi sa akin. "Number ko rin?"
"Oh, I see. Demon Beans T. Baldes, huh? What an ugly name. Let me ask, are you from Ilog Pasig?" I smirked. Alam ko namang hilaw ang biro ko, sinubukan ko lang.
Bakas sa mukha niya ang pagkakalito kaya napatawa ako. Bobo, stupid, dumb?
"Huh? Anong pinagsasasabi mo?" tanong niya.
"Ay bo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"KitKat Blizzard for Mr. Valdez and Ms. V-Valderama." Pag-aannounce nung lalake sa ice cream shop.
Nauna akong naglakad papunta sa counter kaya agad kong kinuha 'yong akin.
"Thanks." Ngumiti ako sa lalaki. Nakita kong namula siya kaya napawi ang ngiti ko at napa-irap. Ugly! May pa-blush blush pa!
"Grabe, 'di mo man lang kinuha 'yong ice cream ko," sabi niya nang nakuha na niya ang ice cream niya at sumabay sa akin sa paglalakad.
"Why would I get it?" Tanong ko at sumubo ng ice cream.
"Because I'm the one who paid for it," sagot niya.
"So gusto mong bayaran kita?" umiling siya kasi puno ang bibig niya ng ice cream. Kumuha ako ng pera sa bulsa ko. "Here. Sobra pa 'yan. But I don't mind.. Keep the change."
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...