Padabog kong sinara ang pintuan ng aking opisina. Sumandal ako sa pinto at suminghap bago tumungo sa aking swivel chair. Aalis na ako dahil wala na akong gagawin. Inayos ko na ang aking mga gamit at lumabas."You can go now." Sabi ko sa aking secretary na kaharap ang computer.
Bumaling siya sa akin at sinabing mamaya na lang dahil tatapusin niya pa ang kanyang trabaho. Umalis na lang ako at sumakay sa elevator. Buong byahe pababa ay ako lang mag-isa. Hinawi ko ang aking buhok at inilagay ito sa aking kanang balikat habang naglalakad palabas ng elevator. Nasa lower ground ako, kung nasaan ang parking lot ng hotel. Pinatunog ko ang aking kotse at pumasok na sa loob. Bago paandarin ay nag-text muna ako kay Damon na pauwi ako. Take note, hindi ko pa siya boyfriend. Inunahan ko lang siyang mag-text dahil alam kong magtatanong iyon.
Mabilis ang kanyang reply. Siguro ay naghihintay talaga siya sa text ko. Hindi ko naman kasi siya nareplyan kanina.
From: Damon
Can we have dinner later? I'll fetch you.
Agad akong nag-type ng reply bago paandarin ang makina ng aking magarang kotse.
To: Damon Valdez
Sure :) What time?
Nang nag-start na ang makina ay tiningnan ko ang aking cellphone para sa reply ni Damon.
From: Damon Valdez
7:00. Is it fine with you?
Tumango-tango pa ako habang nagta-type.
To: Damon Valdez
Yeah. I'll just drive. Later!
Pagkatapos non ay itinapon ko na ang aking cellphone sa loob ng aking bag na nasa kabilang upuan. Traffic pauwi kaya naman ay nainis ako. May mga kotse pang ang bagal ng takbo kaya naaabutan na ng stop cignal.
"Shit!" Nagmura ako nang biglang may sumulpot na kotse mula sa gilid. Katangahan! Naka-stop sa dako nila tapos bigla siyang aarangkada? Baliktaran lang? Katangahan! Kabobohan! Never mind.
Nang makarating sa bahay ay naabutan ko si manang na nagwawalis sa tapat ng gate. Nakangiti ito at mukhang kinakausap ang nasa guard house. Pagkatapos kong mai-park ang aking kotse ay lumabas ako para batiin si manang. Sinabi niya sa akin na umalis si kuya Joma at ate Mandy para bumili ng groceries at kung ano pa.
Habang umaakyat patungo sa aking kwarto ay tiningnan ko ang mensahe ni Damon na kanina pa noong paalis ako sa aming hotel.
From: Damon Valdez
Alright. You take care :)
Nireplyan ko naman ito nang nakapasok na sa loob ng kwarto.
To: Damon Valdez
Kadarating ko lang. I'll just change.
Hindi na ako naghintay pa ng kahit ano at nagbihis na ng simpleng t-shirt at shorts. Nahiga ako sa aking kama para maglibang sa pagti-text. Nagdadalaga na ba ako? Joke.
From: Damon Valdez
Oh, okay. How's your day?
Para akong tangang nangingiti. Simpleng bagay lang iyon pero ganito ako maka-react.
To: Damon Valdez
Good. How about yours?
Patuloy ang pagti-text namin ni Damon hanggang sa nagpaalam siya nong nag-alas singko dahil aniya'y may meeting siyang dadaluhan. Hindi na ako nag-reply pagkatapos ng text niyang pamamaalam dahil alam kong istorbo lang ako. I don't wanna be a distraction. Pero nagulat ako nang nag-text ulit siya.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...