December na ngayon at nandito ako, nakaupo sa sofa sa sala namin. Christmas break sa office namin at kahapon ang Christmas Party namin.
Nabunot ako ng isa kong empleyado (na Regulacion yata ang apelyido) at niregaluhan niya ako ng stationery set. So, I was like, seriously?! Stationery set? Ano ako, elementary? So, I just threw it away. It's useless, anyway.
Biglang nagring ang phone ko at tinignan ko 'yon. Tumatawag ang isang unregistered number, a foreign number.
I was curious so I picked it up.
"Hello?" malumanay kong sinabi.
"Rina!!!" tili ng babae sa kabilang linya.
"Wait a sec. Ate Yella, ikaw ba 'to?" takang tanong ko.
"Of course!!" sabi niyang puno ng saya.
Si Ate Jarviella, ang kapatid ni Jarvin at Jarvis Fuerte, na mga pinsan ko. In short, we're cousins.
"What?" mataray kong tanong.
"We'll be arriving there!" tumitili pa rin siya.
"What do you want me to do?" kalamado pero mataray kong tanong.
"Uhm.. pwedeng pasundo kami? Hindi kasi alam ni mom at dad na uuwi na kami.- Is that Ave, ate?" Narinig ko ang boses ni Jarvin.
"Shut up, Vin!" sigaw ni Ate Jarviella sa kapatid niya. "So, Rina, as I was saying, pasundo kami mamayang 7 pm sa NAIA. Hindi alam nina mom na uuwi na kami. It's a surprise." Sabi niya sa akin.
Siguro ay nasa ibang bansa pa sila na mas malapit sa Pilipinas. Kapag kasi mula sa Boston ay kapag bumyahe ka papunta sa Philippines ay sasakay ka pa ng iilang eroplano sa ibang bansa. Like, Japan and whatever.
Tinignan ko ang wall clock, 3 pm.
"Okay. Kayo lang ba?" tanong ko.
"Yup. Kami lang. So, I gues we'll see each other later?" rinig ko ang ngiti sa boses ni Ate.
"Yeah. Bye." Hindi ko na siya pinagsalita at pinutol na ang linya.
Nagpatuloy na lang ako sa panonood ng movie nang nag-ring ulit ang phone ko. Tinignan ko 'yon at si Ate Jarviella na naman.
"Now, what?" iritado kong bungad.
"Ave?" tumatawa-tawang sinabi ni Jarvin. Nalaman ko agad na siya 'to dahil boses pa lang, nakakapanindig-balahibo na at halatang mapaglaro.
"Ano?!" Napa-irap ako kahit 'di niya 'yon makikita.
"La lang." tumawa siya at narinig ko naman ang boses ni Jarvis. "Manahimik ka nga, Vin! I'm sleeping here!"
Nairita ako at pinutol na ang linya.
Wala pang limang minuto ay nagring ulit ang phone ko kaya sinilent ko na. I really hate Jarvin. Masyadong mapaglaro at mapang-asar. At isa pa 'yong Jarviella na 'yon. Ginawa pa akong driver.
Umakyat na ako at nagshower. 6:15 na noong nagpasya akong pumunta na airport. Nasa isang pasalubong store ako sa airport naghihintay at kumakain ng Lays, masyadong cheap kung Chippy. Tinignan ko ang G-Shock na watch ko at 7:27 na. Biglang tumunog ang phone ko.
Unregister Number:
Ave, we're here. Asan ka na? Nasa labas na kami. Jarvis 'to.
Napatayo ako at lumabas na agad. Naunahan pa nila ako!
Hinanap ng paningin ko sina Jarvis at nakita ko kaagad sila. Nagtagpo ang paningin namin ni Jarvin at tinuro niya ako kaya napalingon sina Ate Jarviella. Lumapit na ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...