26 : Eagle

1K 9 1
                                    




For the past few weeks, hindi ko na nakita ni anino ni Damon.

Was I too rude that night?

'Yan ang lagi kong tinatanong sa sarili ko.

I miss him, though.

WHAT THE EFFING F?

Ano ang sinabi ko?

Masyado akong na carried away sa mga iniisip ko na nakalimutan ko na nasa meeting pala ako.

"And what did I just say, Ms. Valderama?" napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Mr. De Leon, ang walang-hiyang pangit na nagdi-discuss kuno para sa partnership ng mga company namin.

"I don't know," nagkibit-balikat ako kaya napataas naman ang kilay niya. "And I don't care," dagdag ko.

"Seems like you're not paying attention, Ms Valderama. Have a date with your boyfriend later?" tinaasan niya ako ng kilay. Aba'y walangya!

"Maybe YOU have a date with you boyfriend later." umirap ako kaya nagtawanan ang board.

Nainsulto yata siya kaya hindi na ulit siya nakipag-sagutan sa akin at nagpatuloy nalang sa ginagawa niya. Napanguso ako.

"So, I was saying," hindi ko na narinig ang buong sinabi niya dahil nagsimula na namang lumipad ang utak ko.

"Sorry I'm late." biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat sa nagbukas no'n.

Namukhaan ko ang taong 'yon at... What the hell? 'Yong bumangga ng Mercedes Benz ko! Nagtagpo ang paningin namin kaya inirapan niya ako.

"Seems like you're late, Mr. Aguila." tinaasan ng kilay ni Mr. De Leon si Mr. Aguila yata. If I'm not mistaken, bakla itong si Mr. De Leon. Akala mo naman may hitsura.

"Kaya nga ako nagso-sorry, diba? And to defend myself, marunong din akong magbasa ng orasan." naglakad si Kumag at naupo sa upuang nasa harap ng katabi ko.

"Kung marunong kang magbasa ng orasan, why are you late?" kumunot ang noo ni Bakla.

"Traffic!" Singhag ni Kumag.

"Alam mo namang traffic, ba't hindi ka na lang naglakad since malapit lang ang condo mo rito?" paglalandi pa ni Bakla. Oh? May condo ang Kumag na 'yan? 'Di halata, ah. Para siyang Badjao na naanod lang papunta rito sa Manila.

"Are you kidding? Ako, maglalakad? Masisira lang ang kagwapuhan ko-" sabat niyang pinutol ko agad.

"Whoa! Ang hangin! Liliparin na yata ako!" pagpaparinig ko kaya iritado akong tinignan ni Kumag. Bumaling agad ako kay Bakla. "Magpapatuloy ka o magpapatuloy ka?" Inirapan niya naman ako. As if bagay sa kanya.

Natapos ang meeting na super boring.

"Finally, we're done! My boredom is over!" tumayo agad ako.

"Why boredom, Ms. Valderama?" pinagtaasan ulit ako ng kilay ni Bakla.

"Obviously, because it's boring. Pero mas boring pa ring tignan 'yang pagmumukha mong mukhang papel na nilukot sa dami ng guhit." ngumisi ako at natawa ang Kumag kaya napatingin ako sa kanya, nakangisi at naka-taas ang isang kilay. I wonder, bakit ang daming nagtataas ng kilay nila ngayon?

"So insulting." sambit ni Mr. De Leon.

"Oh, was it? Dapat ka nang masanay. If you wanna check out, tingin ka sa salamin." bumaling naman ako sa kanya na nakakunot ang noo. "Oh my! Don't tell me wala kayong salamin sa bahay? Kailan ba ang birthday mo at bibilhan kita ng salamin?"

"Rude brat!" singhag niya atsaka lumabas na nang padabog.

Isa-isang tumayo ang mga board members at nakipagshake-hands sa akin.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon