22 : Garret's

1.2K 16 2
                                    


"Pervert!" sigaw niya at sinara na ang pintuan ng kotse niya. I can't help but grin.

Why is she complaining? Dapat nga magpasalamat pa siya kasi ang isang Garret "forever gwapo" Garcia ang humalik sa pisngi niya. Porke't maganda. Porke't patay na patay ako sa kanya. She should be thankful!

Naalala ko ang picture na hawak-hawak ko. Dinungaw ko 'yon at mas lumapad lang ang ngisi ko. Sa tingin ko ay mapupunit na ang mukha ko neto. Ipapaframe ko talaga 'to.

"Girlfriend niyo, sir?" tanong nung babae habang tinitignan ang picture.

Nasa isang shop kasi ako sa mall, pinapaframe ang picture. Hindi ako 'yong magfiframe. Hindi ako ganoon kagaling pumili kaya sila nalang ang papapiliin ko.

"Ah, hindi." ngumiti ako. "Asawa ko 'yan."

"Ah. Sige po, sir. Ifi-frame ko lang po. Mga 2 hours po siguro." sabi niya.

"Ba't ang tagal?" tanong ko.

"Eh sabi niyo po kasi, 'yong pinakamaganda." sagot niya.

"Oh, okay. Mamaya nalang 'yong bayad." Sabi ko at lumabas na sa shop.

Nag-ikot-ikot lang ako sa mall habang naka-earphones at nakikinig ng music. May nakasalubong akong mga babaeng magaganda at matatangkad na naka shorts. Lumingon ang isa sa akin noong napadaan sila sa gilid ko kaya umikot ako at kinindatan siya. Chick magnet ako, eh! Ang gwapo ko kasi.

Dahil sa kaboringang naramdaman, hindi ko na alam kung saan ako papunta. And there, I ended up in a pet shop. Mahilig din ako sa mga aso. Lalo na pag 'yong malalaki. Meron akong isang Golden Retriever at isang shih-tzu. Buti nga hindi nila pinag-aawayan ang kagwapuhan ko, eh. Pero I'm definitely sure na pag mga tao sila, nagsasabong na sila dahil pinag-aagawan nila ko. Masyado kasi akong gwapo at sa palagay ko, wala nang gagwapo pa kaysa sa akin.

Matangkad, matipuno, makisig, gwapo, hot, chick magnet, at marami pang iba. Nakalimutan ko na nga ang ibang adjectives para i-describe kung gaano ako kagwapo. Bagay na bagay talaga kami ng Valderamang 'yon.

Simula high school, gustong-gusto ko na siya. Isa ako sa mga pinaka-popular sa school pero hindi niya parin ako napapansin. Puro kasi aral, aral at aral. Lagi nga siyang top one, eh.

Mga 95% ng mga lalaki sa school namin ang may gusto sa kanya. At nang nalaman ko na may gusto rin si Damon sa kanya, binantaan ko siyang lumayo dahil akin lang siya simula't sapul. Akin lang. Hindi sa'yo, hindi sa kanya, kundi sa akin.

Avery Katerina Valderama-Garcia. It's all I want.

Tumitingin ako sa mga aso sa pet shop at may nakita akong cute. Isang pomeranian. Makabili nga nito next week.

Hinawakan ko ang ilong niya at dinalaan niya ang daliri ko. Napangiti ako. Ang cute niya! Siguro nagwapuhan siya sa akin. I really love dogs.

'Di ko namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas kaya kumaripas ako ng takbo pabalik doon sa shop. Muntik na akong madulas doon sa may sign na 'Caution: Wet Floor.'

"Miss, okay na?" tanong ko, hinihingal pa.

"Opo, sir. 5,000 pesos po." ngumiti siya.

"Okay. Here." inabot ko na ang 5,000 pesos at binigay niya na sa akin ang picture na naka-frame.

Masaya akong naglakad papunta sa parking lot nang may naapakan ako kaya nadulas ako.

"P*ta." mura ko at agad na tumayo. May narinig akong tawa sa likod. Pamilyar ang boses kaya lumingon ako. And guess what? I saw a devil. Yes, devil. Sino pa ba? Edi ang demonyong kong pinsan na matagal ko nang kinalimutan.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon