Hindi ako makatulog. Lecheng Garret. Pinapatindig ang mga balahibo ko.
Pumikit ako pero ayaw parin akong dalawin ng antok. Naiisip ko parin 'yong nangyari kanina. Noong hinalikan ako ni Garret... sa pisngi.
Ayoko na! Bwisit! Bakit ko ba 'yon laging naaalala? I hate it! So much!
Pumikit ulit ako ng ilang minuto pero ayaw. Ayaw parin akong dalawin ng antok.
Dinungaw ko ang digital clock si gilid ng kama ko at 1:20 am na. Ang bilis naman ng oras. Madaling araw na but I'm still up. Ano bang gagawin ko?
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagfacebook.
132 Notifications
15 Messages
23 Friend Requests
Una kong tinignan ang messages at 10 doon ay galing kay Damon. Ang iba, galing sa kahit sinong cheap.
Tinignan ko ang mga messages ni Damon at kanina pa pala 'yong mga 'yon.
Damon:
I'm going to church.
Wanna come?
Kakalabas ko lang ng simbahan 'yon agad makikita ko?
Ba't ka nagpapahalik sa iba?
Samantalang sa akin, kahit holding hands, hindi.
Ang labo mo.
Akala ko ba ako?
Mahal kita, alam mo naman 'yon.
At alam kong gusto mo rin ako.
I'm broken. Fix me. :(
Naiinis ako sa mokong na 'to! Ano ang mga pinagsasasabi niya? Bakit parang sino siya kung umasta? Naiinis talaga ako. Masyado akong nainis kaya nagreply ako kahit alam kong wala nang magrereply pabalik.
Me:
Bwisit ka!
And to my surprise, nagreply ang mokong!
Damon:
Ba't ka ba gumagawa ng mga bagay na hindi ko nagugustuhan?
Pakipatay siya! Please!
Me:
Aba! Labas ka na doon. Ba't naman ako hindi gagawa? Ano ba kita, aber?
Damon:
Aba rin! Kahit na! Alam kong may gusto ka rin sa akin. Nakikipag-flirt ka pa sa iba! Aba'y matindi!
Me:
Excuse me? Ako, lumalandi? Eh baka ikaw nga riyan! Stupid!
Damon:
Teka.... Nagseselos ka ba?
Me:
Asa kang unggoy ka!
Damon:
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...