The other days were peaceful. Walang away, walang Damon, pero may Garret. Oh, speaking of the devil....
"Hey, boss." ngumisi siya. And, he BARGED IN. Who does that? HIM. Siya lang. Ang wala hiya kong empleyado na si Garret Garcia.
"Tss." inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagpipirma ng mga papeles.
"You busy?" nakaupo na pala siya sa upuan na nasa harap ng table ko.
"Obvious ba?" inangatan ko siya ng tingin at nagpatuloy ulit.
"Sungit mo. Meron ka ngayon no?" tumawa siya.
"WHAT THE HELL?!" sigaw ko. Ito kasi ang nakasulat sa last paper na pipirmahan ko:
'Name: Mario Luigi G. Ocampo
Age: 24
Birth: June 1, 1990
Something about himself:
I am a person. I am a boy that writing a infos about me self. Me is study on Batangas Elementary School and high school. I apply in Valderama Company. Me is work here. I like work here because boss is pretty. I am handsome. Me is good to her. I am crush with her always. That are all I know.'
"Ano 'yan?" tinignan ni Garret ang papel bago humagalpak sa tawa.
"Don't laugh!!!" sinigawan ko siya at lumabas ng office.
Nanlaki lahat ng mga mata nila nang nakita akong galit.
"WHO IS THIS MARIO LUIGI OCAMPO?!" sigaw ko. May nagtaas ng kamay. Nagmo-mop siya. Janitor.
"Yes, ma'am. Me is Mario Luigi Ocampo!" binitawan niya ang mop at lumapit sa akin. "What is your doing, ma'am?"
"Pack your things, kunin mo ang sweldo mo doon." sabi ko.
"Ititira niyo ako sa bahay niyo, ma'am?" pumungay ang mga mata niya.
"You're fired!" sinigawan ko siya at binigay ang papel niyang may lamang kababalaghan.
"Pero..." halos maluha-luha na siya.
"Kuha mo?" Tinuro ko siya.
"Yes, ma'am." sabi niya at umalis na.
Dapat lang. Ayoko ng ganun dito. Wrong grammars, at kung anu-ano pa. Malupit na ako kung malupit pero isipin niyo nga!
Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Lumabas na pala si Garret.
"Baka ma-high blood ka." bulong niya bago ako lagpasan. Naglakad siya paatras at kinindatan ako.
Empleyado ba 'yan o malanding aso? Actually, gwapo talaga si Garret at lahat ng galaw niya, cool. Gaya ni Damon. Wait, what? Damon? Erase. Erase. Si Garret, isang galaw pa lang, nakakakilig na sa mga babae. But for me? Nakakairita 'yon. Ayaw na ayaw ko. Dahil una sa lahat, wala siyang modo, pangalawa, wala siyang respeto, at pangatlo, parang sino kung umasta.
Pumasok na ulit ako sa office ko at nakinig ng music sa iPod ko. Meron akong playlist ng favorite songs ko. Actually, dalawa lang ang favorite songs ko. It Will Rain by Bruno Mars at The Man Who Can't Be Moved by The Script.
"..If you walk away, everyday it will rain...." kanta ko.
"Nice voice." pumasok si Garret ng walang pagkatok. May dala siyang sundae at burger. "Snack? Stressed ka ata."
"Do you really don't know how to knock?" Tanong ko. "And, what's that for? Bakit ka may dalang pagkain? At kung umasta ka, parang boyfriend kita."
Ngumisi siya at umupo. "Wag kang assuming, boss. Nagmamagandang loob lang po. Nothing else."
"Dapat lang." Sabi ko at kinuha ang sundae sa plastic.
"Hep, hep! Why are getting that?" pinigilan niya ako.
"Akin 'to diba?" sabi ko at binuksan na ang sundae.
"Sinong nagsabi?" pinigilan niya parin ako.
"Ako. Alangan naman yung pusa." susubo na sana ako nang pigilan niya ulit ako.
"Paano mo nasabi na sa'yo 'yan?"
"Everything inside this room mine." sumubo na ako. Nagtaka ako nung ngumisi siya.
"So, I am yours?" Sabi niya. Halos mailuwa ko ang sundae.
"Of course not! Who said that?" nilagay ko ang sundae sa table.
"Ikaw. Sabi mo pa nga, 'everything inside this room is mine." ginaya niya ako sa pangbabae na boses.
"At kasali ka dun?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Of course, boss. I'm inside this room." simple niyang sinabi.
"Kapal mo." sabi ko.
"Gaya mo." sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.
"Hindi porke't gwapo ka, magyayabang ka na." sabi ko.
"So gwapo ako?" tanong niya.
"Hindi." sagot ko.
"Eh sabi mo, gwapo ako." sabi niya.
"Hindi ako nagsabi nun." Inirapan ko siya.
"Eh, sino?" tanong niya.
"Yung sundae." tinuro ko ang sundae na nasa harap ko.
"As far as I know, walang nagsasalitang sundae." sabi niya.
"You don't know everything," inirapan ko siya.
"Garret!" may narinig kaming tumawag sa kanya.
"Oh, tinatawag na ako ni Cherry. Sige, boss. Bye!!" tumayo na siya.
"Wag ka nang bumalik, ah?" sabi ko.
Pero parang hindi niya ako narinig.
"Bye, boss. I'll be right back." kumindat siya at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...