Hey... Hey... Heypie NEW YEAR!!!
Bagong taon daw kaya dapat magbagong buhay. Sabi ko naman ayaw kong magbago dahil Sya ang buhay ko! Ayiiiie~ haha. Naka-high naman po ako. Pagpasensyahan nyo nalang ako ne? (>_<)v
Woi, yung mga makukulit jan. Sabi ko mas gusto kong matawag sa pangalang ko e. Uhmf. Di bale nga. Kung mas masaya kayu sa ganun sige keri na saken. hehe ^_^
Ay. Sina Zia at Jordan ang mga pic sa gilid. Nakita ko. Akalain mo nga naman meron nyan? haha. Ang cute ne?
Oh, heto na yung UD. Ilalabas ko na si Gelo para magulo. Moowahaha. *u*
HEYPiE READiNG!!!
______o0o______
Chapter 64
"Kikaaaaay! Anpetsa na! Naiinip nakooooooo!" ( -0-) sigaw ni Elvina na nakahiga sa sofa at nakataas ang mga paa sa sandalan nito.
Lumabas mula sa pinto ng kusina si Kaye tsaka nagtungo sa sala na kinaroonan ng kaibigan.
"Atat lang? Sindihan mo muna yung TV o kaya maglaro ka. May mga bagong cd si kuya. Kalkalin mo jan."
"Asan na daw sya?!"
"Ano ba? Para kang naka-megaphone. Ang lapit ko na, sigaw ka parin ng sigaw."
"Naiinip ako e. Ano ba kasing ginagawa mo sa kusina e kanina pa tayo nakapagluto? Ako lang mag-isa dito oh." ( -3-)
Inangat ni Kaye ang hawak na cellphone at itinapat sa tenga.
"Oh, dinig mo yon? Maya ka na tumawag para may makausap si Ina. Bye."
Pinatay nya ang tawag bago umupo sa tabi ni Elvina.
"Sino yun?" ( '.')
"Si Renald lang." (~_~ )
"Uy, alam mo ba na unang jowa ka nya? Dalang nya daw magkagusto e. Siguro naman magtatagal kayo."
"Malay. Di porket ako una nya, ako narin huli. Nasa kanya naman yun. Kelan ba ako nakipag-break sa mga naging bf ko di ba?"