Dedicated to Filipina. Binasa nya yung 'Face Powder Story' tapos nilagay sa RL nya. Umpisa nun binasa din ng mga fans nya yung story. May nagvote at nagfan pa kaya thankful ako. It's pay back time. I think? hehe~ Wala akong time magbasa kasi may work ako kaya magpo-promote na lang ako. PAKIBASA NAMAN NG STORIES NI FILIPINA! SALAMAAAAAAAAAAAT! (>u<)/ hahahahah~
**Ehem! Tignan nyo yung nakatitig kay Elvina oh? Tinutunaw sya. Nyahay! ----------->
_________o0o_________
Chapter29
Nasa silid si Elvina kasama ang lola nya...
"Haaa...waaa... wuhaatchu!" -elvina
"Bakit ba kasi basa yung buong katawan mo Ina? Ano bang kalokohan ang ginawa mo? Sino gumawa sayo niyan? Abay, sinisipon kana. Paano kung nauwi sa ubo yan? Paano ka makakapag-aral?E paano kung-" hindi natapos ni lola Marie ang kanyang sinasabi dahil sumabat ang apo.
"La, naman e. Accidents happen talaga." sabi nito habang nakatalikod sa lola dahil pinupunasan ang buhok nya.
"Ay wag mo nga akong inggles-ingglesin. Naku bata ka, masyado mo akong pinag-aalala."
"Lolaaa..." umpisa nya sabay kuha ng pamunas ng buhok mula kay lola Marie. "...ako na po. Nasasabunot mo nako e." tuloy nya tsaka inayos ang buhok. "Di naman inaasahan yun e. Hindi po ako naglilikot. Sira lang talaga yung gripo kaya nabasa ako."
"Wala ka bang nakaaway?"
"Ay wala la. Uhhm, sige labas muna ako."
"Saan ka pupunta? May pasok ka pa bukas."
"Di pa po ako inaantok e."
"O sige pero isuot mo itong sweeter at baka malamig sa labas."