Chap6: Naligaw ng 3p

26.3K 295 29
                                    

This chapter is dedicated to tweetynami...Thanks sa pagfan! (*o*)/

**Yung picture sa right yung makikita mo pag pumunta ka ng gabi na maliwanag ang buwan sa may balcony ng Gibsons Residence... Enjoy Reading!

_________o0o_________

Chapter 6

Lumabas ng bahay si Rence at nagpunta sa balcony kung saan malapit ang swimming pool. Kita nya ang repleksyon ng buwan sa tubig na talaga namang magandang pinagmamasdan kaya kumalma ang pakiramdam nya. Panandalian lang ang katahimikang iyon dahil...

"Waaaw naman! Ang ganda-gandaaa!" (*o*) sigaw ni Elvina ng makita ang tanawin. Nakarating din ang dalaga sa balcony at hindi man nya napansin ang binatang naroroon dahil sa dilim. Tangin liwanag ng buwan at mga bituin ang nagsisilbi nyang ilaw.

"Buti pala napadaan ako dito. Sayang naman at hindi ko kasama si lola. Hindi nya tuloy nakikita to." sabi ni Elvina sa sarili. Naglakad pa sya para mapalapit sa pool.

"Kamusta na kaya sila don? Ayos lang kaya sile? Haay, unang araw ko pa lang dito, miss ko na agad sa probinsya."-elvina

"Baliw."

"Sino yan?" (o.o')

"Ako." (-_-) sabi ni Rence. Nakita na ni Elvina ang binata.

"Hoy! Bat ka nasa sahig? Siguro sinisilipan mo ako no?" sabi ni Elvina tsaka inipit sa palda nya at lumayo ng kaunti kay Rence. Tumayo ang binata ang mukhang naiinis na naman sya.

"Hoy babae. Nagulat ako sa pagsigaw mo kanina kaya ako nadulas. Isa pa, walang magkakagusto sa isang tulad mo kaya wag kang umaktang pinagnanasahan kita. Baka ikaw? Siguro sinusundan mo ako kaya ka nandito."-rence

"Ano?! For your information, ako ang nanalo ng miss Dalagang Bukid sa probinsya namin. Ang dami kayang may crush sa akin don. At tsaka di kita sinusundan no?! Feelingero ka naman." Biglang yumuko si Elvina at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Ano kasi e..." Parang nahihiya pa syang ipagpatuloy ang sasabihin. "Naliligaw ako..." (-.-' )

"Ganyan ka ba talaga kaingay? Kairita." sabi ni Rence tsaka sya umupo sa gilid ng hagdan kung saan nakaharap ang pool. Umupo na rin ang dalaga sa kabilang dulo ng pool kaya sabay nilang pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan sa tubig.

"Ikaw ba? Uhhm, ganyan ka ba kasungit? Kairita rin." ganting sabi ni Elvina.

"Ano?!"

"Ah...wala."

"Tsk!"

Naging matahimik ang paligid. Tanging mga ingay ng mga kuliglig at kulisap sa paligid ang kanilang naririnig. Tinignan ni Elvina si Rence kaya nalaman nyang nakatingin ito sa tubig na may repleksyon ng buwan. Napangiti sya at tumingin na rin ulit don.

"Ang ganda no?"-elvina

Napalingon si Rence sa dalaga ng nagsalita ito ngunit hindi na nya naalis ang tingin dito. Nakaupo ngayon si Elvina at yakap ang mga tuhod. Madilim man ang paligid ay kita ni Rence ang ngiti ni Elvina na bagay sa dalaga. Idagdag pa ang malumanay na hanging umiihip na nagpapagalaw sa ilang hibla ng buhok ay maliwanag sa paningin ng binata. Nanatili silang ganoon hanggang sa muling magsalita si Elvina kaya nagising sa katotohanan si Rence sabay tignin sa pool.

"May tanong ako..."-elvina

"Uy. Ang sabi ko may tanong ako." -elvina

"What?"-rence (-_-)

"Uhhm, wag kang magsungit ha?"

"Tsk! Ano yon?"

"Curious lang ako. Kailan mo nalamang- ay mali. Aah, ganito nalang. Uhhm, anong age ka ng nalaman mong lalaki pala gusto mo?" (*.*)

"ANO?!"

"Ah, sige ayos lang. Hindi mo naman kailangan sagutin." (^.^' )

"ANO?!"

"Sus! Denial ka pa. Huli na kaya kita kanina. Ang sabi mo, gusto mo ng lalaki. Uhhm, Wag ka ng mahiya kasi normal lang yan."

"Baliw ka ba?"

"Uy! Pick line ba yan? Sige, sige game. Uhm...Bakit?"

"ANO?!"

"Aay, hindi ba?"

"Aish! Ang gulo mo namang kausap."

"Hoy, hindi ah? Ikaw po kaya."

"AiSH! Hoy babae."

"OH?"

"Tama ka ng dinig kanina pero-"

"Ahaha...edi inamin mo rin!" (^.^)v

"Ano ba? Patapusin mo muna nga ako!"

"Sabi ko nga..." ( -3-)

Huminga muna ng malalim si Rence bago nagsalita. "Mali ka ng pagkakaintindi. You didn't hear everything that I said so don't conclude."

"Alam mo, sapat na yung narinig ko kaya wag ka na magpaliwanag. Wag ka ng magkaila kasi mahirap magtago ng sikreto. Tsaka sabi ko naman sayo na hindi ko ipagsasabi sa iba diba? Magtiwala ka sakin." (^__^)v

"Halikan kaya kita?!"

"Eeeeew...Kadiri ka naman! Hindi tayo talo no?!" (>.<)

"Bahala ka sa buhay mo!" Napuno na si Rence kaya tumayo na ito at naglakad na paalis.

"Hoy lalake! Huwag ka munang umalis. Sabihin mo muna yung daan papunta sa kwarto namin. Pleasssssssssse?" (^.^' )

Lumingon ang binata na nakakunot ang mga kilay. "i-Hoy mong mukha mo. Ikaw ang may kailangan pero tawagin mo lang ako ng maayos hindi mo pa magawa." Tumayo na rin si Elvina matapos ng sinabi ni Rence.

"Bakit? Tinatawag mo ba ako ng maayos? Nagrereklamo ba ako kapag tinatawag mo akong 'bata' o kaya 'babae'? Hindi diba? Alam mo, kung ayaw mong mangyari sayo, huwag mong gawin sa iba. Kung gusto mong nirerespeto, irespeto mo muna kausap mo." Hindi mataray ang naging dating ni Elvina. Napakasimple lang ng pagkakasabi nito pero tinamaan si Rence.

"Ewan ko sayo." sabi na lang ng binata bago nya iniwan ang dalaga.

"Napaka-ungentleman naman ng pikon ng yun. Haay, dapat hindi ko na lang sinabi yun e. Pano nyan ako makakabalik sa kwarto? Hindi ba napapansin ni lola na nawawala ang apo nya? Wala bang maghahanap sakin sa malaking bahay nato?" sabi ni Elvina sa sarili. (T . T)

Nag-umpisa na syang maglakad kahit hindi nya alam ang dinadaanan nya. Ilang sandali lang ay nahanap din nya ang silid nila ng kanyang lola. Hindi na nya sinindihan ang ilaw upang hindi na magising ang kanyang lola na mahimbing na pala ang tulog. Tumabi na si Elvina sa lola nya.

"La, payakap ah?Ummm, ang bango ng kamison mo ah?"(*u*)bulong nya sabay yakap sa lola.

"Sshhh..." bulyaw naman ng matanda.

"Opo, matutulog na..." sabi ni Elvina bago natulog.

 ---

Umaga na.

Medyo nasisilaw na si Rence sa sikat ng araw ngunit hindi parin sya bumabangon. Niyakap nya ang isa sa mga unan sa gilid nya. Napangiti sya ng nakapikit matapos nyang sininghot ang unan. Sininghot pa niya ito. Pagkatapos ay sininghot sya ng...

...unan?

(0_0) -->Rence

_________o0o________

*Next 3p: "3p sa kama"

-->BelomaCassidy

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon