Dedicated to CheChiii19... Thanks sa pag-add sa reading list mo! (*o*)/
**Anime Pic lang nahanap ko para sa chap na to. Hindi ako nakahanap na mas related sa story e. Uhhm, pili na lang kayo sa mga yan tapos imaginin nyo na sila sina bida...hehe (^_~)
_________o0o_________
Chapter 7
Umaga na.
Medyo nasisilaw na si Rence sa sikat ng araw ngunit hindi parin sya bumabangon. (-_- ) Niyakap nya ang isa sa mga unan sa gilid nya. Napangiti sya ng nakapikit matapos nyang sininghot ang unan. Sininghot pa niya ito. Pagkatapos ay sininghot sya ng...
...unan?
(0_0) -->Rence
Tinignan nya ang unan. Nabigla sya dahil kulay itim ito at makinang pa. Kulay puti kasi dapat ang punda ng mga unan nya. Inilayo ni Rence ang kanyang ulo para matignan ang kayakap at laking gulat nya ng makita si Elvina na nakayakap sa kanya at nakakapit pa ang kamay sa kanyang damit. Muli syang sininghot ng dalaga at nagsabing...
"Ang bago talaga ng kamison mo ngayon la..." Naalimpungatan lang ang dalaga kaya muli itong nakatulog. Naestatwa si Rence sa mga pangyayari. Ni hindi nya maalis ang kamay nyang nakahawak sa balikat ng dalaga. Walang kurap syang nakatitig kay Elvina gamit ang nanlalaking mga mata ng biglang may kumatok.
"Rence, iho. gising ka na ba?"- boses ni lola Marie
"La naman e. Maya na po... 2mins pa..." sabi ni Elvina na inaantok pa tsaka muling natulog. (-.- )zZz
Bumangon si Rence at kinuha ang isang unan sabay payakap kay Elvina. Ang bilis ng mga pangyayari kaya naalimpungatan lang ulit ang dalaga. (-.- )zZz
Binuksan ni Rence ng bahagya ang pinto at hinarang ang sarili upang hindi makita ni lola Marie ang hindi dapat makita.
"Ay mabuti naman at gising ka na. Hinahanap ko kasi si Ina. Napansin mo ba?"-lola Marie