Dedicated to aniMAE_. Taga pamp din sya. haha. Marakal a salamat king pamag-fan Mae! ^^
Enjoy kayong lahat sa pagbasa! (^0^)/
_________o0o_________
Chapter 48
Umaga na...
Nagising si Elvina dahil sa isang amoy. Umupo sya mula sa pagkakahiga sa kama ngunit nakapikit parin. Suminghot-singhot sya sa paligid. Humarap sya sa gilid tsaka binuksan ang mata. Nakita nya sa gilid ng kama ang isang maliit na mesa na may lamang pagkain.
"Kain ka na."
"Ay kanin!"
Nagulat ang dalaga sa nagsalita. Lumingon sya sa kabila kaya nakita ang pinanggalingan ng boses.
"Ay? Ikaw pala." -elvina
(-_-) -rence
"Luto mo?"
"Yeah."
"Di nga?"
(-_-)+
"Haha. Naniniguro lang. Mukha ka na namang nakalunok ng kalamansi." (^.^)
Humarap na si Elvina sa maliit na mesa tsaka kinuha ang kutsara gamit ang kaliwang kamay. Hindi pa kasi natatanggal ang benda sa kanang kamay nya.
Dahan-dahan sya kung sumalok ng pagkain dahil sa hindi sya sanay sa kaliwa. Halos wala man syang nakakain.
Lumakad si Rence at lumapit sa kanya. Umupo ang binata sa kanyang tabi tsaka inagaw ang kutsara. Biglang sumimangot si Elvina dahil doon.
"Uy, kala ko ba sakin yan? Sa kusina ka nalang kumain kung gutom ka."
"Kumain na ako."
"Yun naman pala e. Akin na yan. Wag kang magulo, gutom nako." ( '.')~ sabi ni Elvina tsaka inaabot ang kutsa pero itnaas ni Rence ang kamay nya kaya hindi nya ito nakuha.
"Susubuan kita."
"Aaaah.... Ha?" ( O.o)
Kumutsara na ng pagkain ang binata tapos ay hinipan. Nagtataka ang dalaga.
"Oh." sabi ni Rence sabay harap ng kutsarang may pagkain.
"Eh? Ka-kaya kong kumain gamit ang kaliwang kamay. Hindi naman mahirap yun e."
"Eat." (-_- )