Nag-ud ako bago ako uwi ng pamp. Para may mabasa kayo habang nagbabakasyon ako. hehe~
Dedicated to MinaMillett. Aian, heto naman ang chap na para sayo! (^o^)/
Sa mga tumingin sa mini manga, mababasa nyo ulit yung ilang scripts sa chap na ito. Naalala ko kasi may mobile readers daw yung story. Hindi man nila alam nangyayari sa multimedia. Aiun. Kaya dedicated din ito sa mga mobile reader. ^^
**Slideshow ng mga pic ni Elvina ang nilagay ko ngayon para sa picturan mamaya. Tas yung tawa ni Rence ang nasa vid. Ilalagay ko kung kelan sya tatawa. Enjoy readeeeeeeeeeeng! (*u*)/
_________o0o_________
Chapter34
Nasa silid si Elvina at inaayos ang sarili…
“Di man lang ako tinanong kung payag ako o hindi. Bossy nya talaga.” sabi nya sa sarili. “Pero infairness na-excite ako. Haa-aray.” Sabi sabay hawak sa ulo. “Sana naman umepekto na yung pain reliever. Bat ba ang sakit ng ulo ko?” tanong naman nya sa sarili.
Saktong palabas sya ay pumasok si lola Marie.
“Oh? Bakit bihis na bihis ka? Nakita ko si Rence at parang may lakad din. Wag mong sabihing may date kayo at hindi ka nagpapaalam?”
“Ang echusera mo naman la.”
“Ano iyon?”
“Joke lang. To naman si lola di mabiro kahit kelan. Hindi po. Di kami magdedate. Sabi nya ligo daw ako at aalis kami. Uhhm, baka may bibilhin? Baka nagpapatulong kung saan? Ewan ko dun. Magpapaalam na nga sana ako e kaya ako palabas.”