Dedicated to phia0920. Para sayo itong chap na ito Sophia. ^^
Enjoy kayo sa pagbasaaaaaaaaaaaaaaaaa! (*o*)/
** Pic ni Aldrich nilagay ko ngayon. Hindi sya naka-smile diba? Ayan ang other side niya na na-activate dahil kay Elvina. Yan ang sasabihin na mamaya kaya may hint na kayo. Hihihi~
_________o0o_________
Chapter 43
Padabog kung maglakad si Elvina mula ng makalabas ng kotse…
“Nakakainis naman ang lalaking yun. Di porket alam ko ng gusto ko na sya di na ko magagalit sa kanya no?” pagsasabi nya habang naglalakad.
Nagpunta sya ng banyo. Hanggang sa pag-ihi ay naghihimutok parin sya.
“Hindi man sya sumunod kanina. Hindi ba sya mag-sosorry? Ang manhid nya talaga. Naman si eh. Bat ba ako nagkagusto sa kanya? Tsaka pano ba ako nagkagusto dun? Kawawa naman ako.” ( -3-)
Tumayo na si Elvina ng matapos. Lalabas na sana sya ng cubicle ngunit hindi natuloy dahil narinig nyang may pumasok ng banyo. Narinig nya ang usapan ng mga ito.
‘Hey girl, alone si Tyrone kanina. Break na kaya sila ng Elvina na iyon?’
‘Sana nga. Pero parang nagbalik naman yung dati nyang mga tingin. My gosh! Super scary! Di kaya ginamit din sya ng bruhildang yun?’