Chap72: Her 3p

15.4K 220 25
                                    

 

Huy, kayo ah? Kelan patapos dun kayo bumabanat sa votes. Tama yan. Sige, pagbutihin nyo lang tutal malapit na ung halalalan. Pfft~ ano daw connect? Haha.   XD

 

 

Sa mga hindi pala aware, may nipost akong oneshot story. 'Buti nalang tanga!' Ayan, makirelate lang ang mga tangengoks. Haha.

 

 

Tsaka isa pa nga pala, may website nakoooo!Wooooh! 'cassidysite.yolasite.com' Visit nyo pag may time! ^_^ Ayun...

 

 

Enjoy readeng ebrebade!   (*0*)/

______o0o______

"Uy Rence, ibaba mo na nga ako. Ilang beses mo nang ginawa sakin yung ganito ah? Ano akala mo sakin? Isang sakong bigas?"  ( -3-)

Nagrereklamo si Elvina dahil buhat parin sya ni Rence sa may balikat nito habang naglalakad.

"Tsaka bakit mo ako hinakot paalis dun sa pageant? Naku, lagot ako sa mga teacher nyan. Woy Rence. Balik mo nako dun. Malay mo, makuha ko pala yung title."

"Hayaan mo na. Ako na bahala sa mga teacher. Uwi na tayo."

"Eh? Sayang yun. Nabanggit ko na ata sayo nun diba? Ako nanalong Miss Dalagang Bukid sa baryo namin. Kung suswertihin ngayon, magiging dalawa na title ko. Edi masaya."  (>u<)

Natawa ng mahina si Rence.

"You're the winner for me."

"Ayiee~ ang echos mo." nakangiting sabi ng dalaga sabay hampas sa likuran ng binata.

Nakarating na sila ng parking lot kaya ibinaba na ni Rence ang dalaga. Nahulog ang jacket na nakatakip kay Elvina pagkababa nya kaya yumuko ang binata at pinulot iyon.

Dumaan ang mga mata ni Rence sa mga parte ng katawan ng dalaga habang tumatayo ito. Paa, binti, tuhod, pataas hanggang sa magtama ang mga mata nila.

"Bakit?" ( '.' ) takang tanong ni Elvina na nagpagising kay Rence mula sa pagkakatulala.

"Talikod." (-_-) sabi nito na ginawa naman ng dalaga. "Suot mo." sunod na sabi nya tsaka tinulungan magsuot si Elvina.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon