Chap70: Tampuhan 3p

15.3K 241 18
                                    

 

Nagsasawa na ata sa MP3p ang iba? Haha. Bumababa kasi ang votes. Pero positive naman comments ng binasa ko. Oh well, ganyan talaga...  ;)

 

 

Ang problema ko ngayon ay yung dedications. Tatapusin ko na itong story para hindi mapilitang magbasa ang iba. Hehe. Five chapters remaining nalang pero andame ng mga nagpadedicate. Magagalit kaya sa akin yung mga hindi magkakaroon ng dedication? Sana wag naman. Hindi kasi talaga sapat chaps eh. Piece? (>_<)\/

 

 

Ay nga pala, may special access ang chap na ito para sa Brat 1st series para sa mga hindi pa nakabasa. Ilalagay ko lang yun sa pinakababa ng chap ne?

 

 

Enjoy parin sa pagbasa! (^___^)/

______o0o______

 

 

Chapter 70

Sa loob ng personal library ni seniora Joana sa mansyon...

Magkasama sina Elvina at Rence sa loob ng silid subalit parang wala ang presensya ng bawat isa. Doon sila dumeretso pagkagaling sa paaralan. Tahimik lang ang dalawa na gumagawa ng kanilang takdang-aralin.

Hindi na nakatiis ang binata sa hindi pamamansin sa kanya ng dalaga kaya kinausap na nya ito.

"Are you mad?"

Tumigil sa pagsusulat si Elvina tsaka tumingin kay Rence ngunit hindi parin sya nagsalita.

"Tell me."

"..."

"Please."

"Hindi ko alam Rence."

Sa wakas ay nakapagsalita na ang dalaga.

"Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. May mga oras na basta ka nalang nagsusungit at wala talaga akong ideya kung bakit pero narinig mo ba akong nagreklamo? Hindi diba? Kung umasta ka naman minsan, para kang tatay na pati mga desisyon para sa sarili ko, ikaw na nakikialam. Inintindi ko rin ang mga yun di ba? E ikaw? Naisip mo ba kung ano nararamdaman ko? Inintindi mo rin ba ako?"

Walang masabi si Rence. Tinignan muna ng mariin ni Elvina ang binata bago nagpatuloy.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon