Dedicated to MalenBrave. Maraming salamat sa kanya kasi isa sya sa mga masugid na supporter ng story. Samalat sayo! ^o^
_________o0o_________
Chapter 18
Pumasok na si Elvina sa silid.
Napakatahimik ng mga taong dinatnan nya. Pawang mga kukuha ng pagsusulit ang mga naroroon at hindi sila magkakakilala.
Umupo si Elvina sa pinakalikod at tahimik na naghitay ng oras. Pinagmamasdan nya ang mga tao sa loob.
(". )
( '.')
( '.' )
('.' )
Maya-maya lang ay narinig nya ang anunsyo ng paaralan na mag-uumpisa na ang pagsusulit para sa mga lilipat na istudyante sa loob lang ng limang minuto. Nagsipasukan na ang iba kaya umayos na ng upo si Elvina.
"May nakaupo dito?" tanong ng isang lalaki kaya tinignan nya ito. Tinignan nya sunod ang upuan sa tabi nya na walang laman sabay balik ng tingin sa lalaki.
"Wala?" sagot ni Elvina. Umupo na nga ang lalaki at napailing-iling. Kung tutuusin nga naman ay wala namang nakaupo pero nagtanong pa ito.
Ilang saglit lang ay nag-umpisa na ang pagsusulit ngunit nagkaproblema ang iba. Hindi pala maaaring gumamit ng lapis dahil makabagong makina ang magtatama ng mga papel na sinagutan para sa pagsusulit. Hindi kayang basahin ng makina kung lapis ang pinagsulat.
Kita ni Elvina na isa ang lalaki sa mga namoblema dahil wala itong dalang ballpen. Lima ang binili nilang ballpen ni Rence bago sila pumunta ng paaralan kaya naisipan nyang ibagi ang iba.
"Heto oh." sabi ni Elvina sabay alok ng isa sa mga ballpen.