ATTENTI0N PLEASE!!! ATTENTI0N!!! /(*O*)\
Haha. Announce ko lang na ni-post ko na yung last chap ng Precious at ipo-post ko yung Epilogue nun kasabay ng next chap nitong MP3p. Ginawa ko nalang na short story, hanggang chap17 lang. Baka interested kang basahin tutal patapos na? Mabilis lang yun kase walang mga long notes tulad neto. Hehe. Click mo yung external link para sa story maya or kung mobile reader ka naman ito itype mo, http://m.wattpad.com/3886641
MADAMING SALAMAT! (^0^)/
Uy nga pala, kakalabas ko palang kay Gelo may mga may crush na? Nyaha! Ayan ang pic nya sa gilid. Adyan din sa gilid yung video na gawa ko sa Precious. (Promote lang po!) Hihi. *u*
ENJ0Y READING!
______o0o______
Chapter 65
Sa may burol sa probinsya...
Sabay na tinitignan nina Elvina at Gelo ang bukid. Sa may burol sila nagtunggo matapos nilang kumain.
"Nakaka-miss dito sa atin. Iba talaga dito no?" -elvina
"Ikaw ba? Saan mo mas gustong manirahan. Dito o doon sa syudad?" -gelo
"Uhmm, dati sigurado ako, as in thousand thousand percent, na gusto ko dito sa probinsya. Kaso biglang mas naging gusto ko sa lungsod ng nanirahan ako dun. Pero ngayon naman na nandito ako ulit, hindi ko na alam. Kung nilalakad lang sana yung dalawa, naku! Magpapalipat-lipat ako araw-araw!" (^.^)
"Paano kung tanungin kita Yems..."
"Ano yun?"
"Mananatili ka ba dito kasama ko kung dito nalang ako magtatrabaho?"
"Hindi ko alam e. Kasi si lola nagdidisisyon sa ganyan. Tsaka kanino kami makikitira dito? Hmm, sa inyo ba? Kasi pwede ko namang tanungin si lola."
Natawa ng pagkalakas-lakas ang binata na pinagtaka naman ng dalaga.
( '.' )? -elvina
"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin. Ahaha. Di ka parin nagbabago Yems. Ang slow mo parin. Iniisip ko tuloy kung paanong si Rence ay naiintindihan mo."
"Bat naman nasama si Rence sa usapan?"
"Bakit hindi mo pa sya sagutin?"
"Gelo naman e! Kaya kayo nag-aaway ni Kikay dahil sa ganyan ka. Lagi mo nalang sinasagot ng tanong ang tanong na."
"Ano bang mahirap sa tanong ko?"
"Ang kulit oh. Isa nalang, uupakan na kita." ( -3-)
"Oo. Sige na... Ang gusto ko lang sabihin, pagbigyan mo ang iyong sarili bago ka magsisi."
"Di naman yun ang iniisip ko Gelo. Ang akin naman kasi, baka ano... nabibigla lang sya tapus... tapus ano..."
"Iiwanan ka rin?"
Tumango si Elvina.
"Ano bang mas gusto mo, masaktan matapos makipagsapalaran o masaktan ng di man lang sinusubukan? Di ba mas mahirap ang mawalan ka ng di man naipaglaban?"
"Wow! Pasulat naman nun saglit! Gawing kong quotes!" (*.*)
Natawa na naman si Gelo.
"Kailan ka ba talaga magsiseryoso Yems?"
"Oy seryoso ako! San mo ba kasi galing mga pinagsasabi mo saken?"
"Maganda ng wag mong malaman para di na ako makagulo."