Chap62: 3p ni Renald

16.7K 224 32
                                    

Hey there, pader! Pffft~ bwahahaha...  XD

 

Naloloka na naman po ako. Alam mo yung feeling na ang saya-saya mo dahil pasado ka sa trabaho but at the same time malungkot ka dahil bumagsak ibang kasama mo? I've earned a lot of friend during training but it just came to an end with some of them. Di ko na sila makakasama sa work. Haaay, asan na kaya sila ngayun?

 

Nakatransitional off ako nian, bale split off yung akin. Onting tiis nalang mga mahal kong readers. Pag stable na sched ko at nakapag-adjust na, magiging madalas na UD. hehe ^u^

 

Ay nga pala, naayos ko na yung mga pic sa previous chaps. May pic din si Kiana Kaye sa gilid. Kasama nya si Renald karamihan jan. ---->>

 

Enjoy, enjoy, enjoy sa pagbasaaaaaaaa! (*u*)/

______o0o_____

 

 

Chapter 62

Nakasakay ng bus sina Kaye at Renald...

"San tayo pupunta?"

Halatang galit ang dalaga.

"Papakilala kita sa parents ko."

"Ang tanong ko 'san tayo pupunta' hindi, 'anong gagawin natin.' Simpleng tanong di mo masagot ng maayos. Kabwisit ka."

"Ah, ok. Sa kumpanya ng parents ko."

"At para saan?! Alam mo bang miss na miss ko na si Elvina kaya nag-absent ako sa school tapos bigla mo lang akong tinangay?"

"Pasensya."

Hindi nagbabago ang timpla ng mukha ni Renald. Bagkos ay parang si Kaye ang mas nagagalit dahil hindi naaapektuhan ang kausap sa pagtataray nya. May pagtataka ding mababasa sa dalaga.

"Napakaimposible mo. Hindi na nga maganda ang pakikitungo ko sayo, pa-cool ka pa. Bakit ganyan ka ha?"

"Dahil gusto kita."

Bahagyang natawa si Kaye at medyo nawala ang galit.

"Di ko inaasahan yun ah. Hanep. Kakaiba ka palang nilalang. Makinig ka... pag-isipan mo muna sinasabi mo. Baka bukas lang break na tayo at ikaw pang makikipag-break. Kung gusto mo ngayon na. Hindi na kita kailangan dahil wala dito baliw mong fans at wala nakong balak bumalik pa don."

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon