Chap51: Misunderstood 3p

17.5K 254 27
                                    

Last UD na ito para sa ngayon.

 

Enjoy ka sa pagbasa! ^^

_________o0o_________

Chapter 51

Nakarating na sa mansyon sina Elvina at Rence. Diretso lang naglakad papasok ng bahay ang binata na sinundan naman ng dalaga...

"Rence!" tawag ni Elvina pero hindi sya nililingon ng binata.

"Uy Rence!" muli nyang tawag ngunit tuloy lang sa paglakad si Rence hanggang sa makarating sila ng sala. Huminga muna ng malalim si Elvina bago muling tumawag.

"ERNEST TYRON LAURENCE GIBSONS the THiiiiiiiiiiiiiiiiiiiRD!" (>0<)

Doon ay lumingon na si Rence na may masamang tingin pero ngiti lang ang ganti ng dalaga.

v(^.^) -elvina

"Edi lumingon ka rin."

Nakatayo lang si Rence kaya ang dalaga na ang lumapit bago nagpatuloy sa gustong sabihin. Naging maliwanag sa mata ni Rence sa malapitan ang pag-aalalang mukha ni Elvina sa likod ng kanyang ngiti.

"Hindi ka na naman ba kikibo? Akala mo ba magiging ayos lang ang lahat kung tatahimik ka nalang? Kala mo ba kaya mo mag-isa ang problem kaya di ka nalang magsasalita? Di mo alam na nakakabaliw yun?"

"..."

"Ang hirap kaya pag kinikimkim mo ang problema. Pwede mo naman i-share para medyo gumaan diba? Pwede mo naman sabihin sakin kahit konti lang para mabawasan Rence ang dinadamdam mo."

"It's all your fault."

(0_0) -elvina

Katahimikan...

Hindi inaasahan ng dalaga ang narinig kaya bigla syang nalungkot. Waring nagulat din ang binata sa kanyang sinabi. Yumuko si Elvina at lakas loob na magsalita. Kita sa kanya na medyo na hihiya na sya.

"A-alam ko naman yun e. Kung di dahil sakin hindi sana nangyari lahat ng di dapat diba? Hindi ko alam kung bakit ganun si Venus pero siguradong may rason tulad ni Paloma non. Hagat maaari gusto kong intindihin ang mga bagay-bagay. Pero dapat ata hindi na nga lang ako nakialam?"

Nanatiling tulala si Rence. Hindi alam ng binata ang tamang salitang dapat sabihin.

"Sana Rence, hindi nalang pala ako napalapit sa inyo kung alam ko lang na may maaapektuhang iba. Edi sana tahimik ang campus. Edi sana wala kayong tinutulungan diba? Edi sana hindi ako nakakasira ng iba. Sigurado ako, hindi kayo mag-aaway na magkakabarkada. Bakit nga ba kasi?"

Nanginginig na ang boses ni Elvina ngunit pinilit nyang huwag umiyak.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon