_________o0o_________
Chapter 4Oras na para matulog kaya nagtungo na si Elvina sa silid nila ng lola nya. Masyado syang natuwa ng makita ang silid kaya naiwan nyang bukas ang pinto.
"Wow la! Ang laki ng kwarto natin! Parang ito na yung buong kubo sa probinsya ah?" - elvina (*o*)
"Isara mo nga ang pinto Ina."- lola marie na kasalukuyang nagtutupi ng damit.
"Yieee, teka lang la." (~ ^o^)~
"Ay naku! Huwag ka ngang matatalon sa kama! Nakakahiya kay Joana kapag lumusot ka jan!"
"Halika dito lola. Ang lambot oh?"
Napadaan si Rence at nakita nya si Elvina sa kakulitan nya. "Para talagang bata." (-_-) sabi niya sa sarili. Pinagmasdan nya ang dalaga.
"Lolaaa, dali!"-elvina (^___^)
"Hay naku. Tigilan mo nga ako Ina!"sigaw ni lola Marie dahil hinila sya ng apo papunta sa kama.
"Ayieee, kunwari ka pa. Gusto mo naman e!" At sapilitang hinila ni Elvina ang kanyang lola tsaka muling nagtatalon. (**, )
"Hay! Josmiyo! Haayay, ang puso ko apo!" (@_@) hinanaing ni lola Marie sa nerbyos. Tumigil ang dalaga tsaka niyakap ang lola na nakaupo.
"Ang KJ mo lola!"-elvina (-_-)
"Pffft..."-reaksyon ni Rence sabay alis.
Narinig yong ni Elvina ngunit wala na syang nakita ng lumingon sya sa pinto. (o.o)
"La?"