Dedicated to chelzkie. Nakakabad vibes kasi kailangan ko pa palang mag-apply ng credit card para makahulog kung gusto ko ng laptop pero nawala yun ng makita ko news feeds ko. Grabe, paunti-unting kumakalat mga trip ni Elvina. Tawagin natin itong E-Virus! hahaha. Thanks sa pagfan! (*u*)/
Special greetings to ellain_akira. Pasado sya! CONGRATULATIONS!!!
Enjoy Reading!
**Pic ng kambal yung nilagay ko ngayon. Unidentical sila. Sinong mas papabol? --------------->
_________o0o_________
Chapter 11
Nagpatuloy ang laro nina Rence at Elvina. Nangunguna si Rence sa paglangoy ng muling hinila ng dalaga sa isang paa kaya naisipan nyang gumanti. Bumaluktot ang binata para makaharap kay Elvina. Ngumisi si Rence sabay...
...kiliti sa tagiliran ng dalaga.
Napanganga si Elvina dahil sa tawa habang nasa tubig kaya biglang lumabas ang hangin na kanina pa nya kinokontrol para tumagal sa ilalim ng pool. Tinakpan nya agad ang bibig nya at lumangoy paitaas dahil mauubusan na sya ng hininga. Malayang nakuha ni Rence ang barya. Hindi na muling sumisid si Elvina dahil alam naman niyang talo na sya.
Lumangoy na si Rence paitaas para makaahon. Nakita nya si Elvina na nakaupo sa gilid ng pool. Basa na talaga ang T-shirt ng dalaga kaya medyo kita na rin ang loob. Umiwas ng tingin si Rence lalo na at maliwanag sa kanyang tingin ang hubog ng katawan ni Elvina. Naisipan nyang umahon sa kabilang gilid ng pool.
"Uy! Bat jan ka umahon?"- elvina ( '.' )
"Ayaw ko sa mga mandaraya."-rence (-_-' )
"Masyado ka to. Biro lang yun. Isa pa, panalo ka naman ah?. Ako magluluto ng hapunan natin mamaya."
Hindi naman pinakikinggan ni Rence ang sinasabi sa kanya. Magkalayo na sile pero napapatingin pa rin sya sa katawan ni Elvina.
(-_- )
(-_-)