Chap24: Ibang road 3p

22.4K 357 34
                                    

Hayan umabot ako sa time na ni-set ko sa previous chap. hehe..

Dedicate to mhikmhik28. Dati syang naligaw. Inakala nyang ako yung isang author kaya nya binasa yung MP3p. Natawa ako dun mhikmhik. Promise! hahaha... Mababasa nyo yung conversation namin if nagbabasa kayo ng comments.  Pero ngayon isa na syang supporter ng story. Salamat! (^o^)/

**Bibigyan ko rin ng love life ang ibang chars para masaya. Pansinin nyo lang lagi yung mga pics na nilalagay ko kasi pang-hint ko na rin yan kung minsan. hehe.. (^.~ )

_________o0o_________

Chapter24

"Sumama ka sa akin. May pag-uusapan tayo." sabi ni Paloma at nag-umpisa na syang naglakad palabas ng silid. Sumunod naman si Elvina sa kanya. Susunod na din sana si Zia ng bigla syang hinarangan ni Miles. Ang taong sobrang naiinis sa kanya...

"You stay there, weirdo." sabi nya na ikinatakot naman ni Zia kaya nanatili sya.

Nagpunta ang dalawa sa backstage kung saan walang ibang taong dumaraan. Hinarap na ni Paloma si Elvina...

"Bakit ba ang hilig mong isiksik ang sarili mo kay Tyrone?" diretsong sabi ni Paloma.

"Hindi ah? Magkaibigan kaya kami." ( '.' ) sagot naman ni Elvina.

"You're really a big liar! Hindi na nagkaroon ng babaeng kaibigan si Tyrone ever since nag-break sila ni Fiona. And now you're telling me that you're friends?"

"Kilala mo ex nya?" ( '.' )

"Of course! Old students know about their story and what's behind it. And if balak mong gamitin din si Tyrone para sumikat sa campus, binabalaan kita, wag mo ng ituloy. Wala akong pakialam kung ano ka pa sa kanya."

(^.^) elvina

"What's funny?!" pagmamataray ni Paloma dahil nginitian lang sya ni Elvina.

"E kasi, akala ko na isa ka sa mga baliw na fans ni Rence."

"What?!"

"Kung titignan mo kasi para kang isang babaeng obsess kay Rence e. Yung parang gagawin kahit ano para mapansin ka lang nya? Pero mali pala ako." (^.^)

"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!" galit na sigaw ni Paloma.

Samantala...

"M-miles?" tawag ni Zia na ngayon ay nakaupo sa isa sa mga upuan sa silid ng kanilang klase. Si Miles naman ay may ginagawa sa kanyang cellphone.

"What?"

"Pe-pwede na ba a-akong umalis?"

"No."

"Gu-gutom na ako."

"Don't say any alibi. Just shut your mouth weirdo. You're not gonna be hurt." Mahinahon lang ang pagkakasabi ni Miles pero kita kay Zia ang takot. Tahimik lang sila sa loob ng biglang may nagsalita.

"Pabayan mo sya."

"Don't bother other's business, transferee." sabi naman ni Miles sa lalaking kadarating.

Hindi ito nakinig. Lumapit sya kay Zia at hinawakan sa kamay sabay hila.

"Hey!" awat ni Miles pero tinignan sya ng masama ng lalaki. Natahimik ang dalaga kaya at hinayaan nya ang dalawa.

"S-sa-samalat." nakayukong sabi ni Zia ng makalayo sila.

"Puntahan mo na kaibigan mo." sabi naman ng lalaki.

Inangat na ni Zia ang ulo. "O-oo." sabi nya tsaka tumakbo. Patungo sya sa basketball court at sakto naman ay naglalakad na si Rence palabas. Hinihingal man ay kinausap nya agad ang binata ng makalapit sya dito. "S-si-si Elvina a-at Paloma..." yun palang narinig ng binata pero agad syang humarurot ng takbo para hanapin ang dalaga.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon