Wow nice! May mga bagong username akong napapansin na nagko-comment. Wehehe, nakakanda ng mood! Thanks sa inyong lahat! (^0^)/
Dedicated to GaNgster_NeRd. Ayan, request granted! Kung gusto nyo rin magpadedicate, sabihin lang sakin ne? Nawala na yung dati kong list so unahan lang. Magbabase ako sa yahoo notif ko kaya malalaman ko kung sino nauna. hehe. ^^
Enjoy sa pagbasa!
______o0o______
Chapter 54
Uwian na at tahimik na umalis si Aldrich...
"Nag-aalala nako kay Aldrich. Ano kayang meron sa kanila ni Venus? Bat di nya sabihin? Baka may maitulong tayo di ba?" -elvina ('.' )
"Hayaan mo. Kaya nya sarili nya." -rence ( -_-)
"Kung magsalita ka jan parang wala kayong pinagsamahan ah? Ang tagal na ng away nyo di pa kayo magbati. Kung tutuusin parang ikaw din sya e. Basta nalang kayo nanahimik pag may problema."
"Wag mo akong ikumpara sa kanya." ( -_-)+
"Ayieee, magbabati na yan..." (~~,)
"Tss."
"Sus. Kunwari ka lang nyan pero miss mo narin friend mo. Aminiiiiin!"
"Aish! Wag ka ngang makulit!"
"Ayieee, denial pa oh!"
"Ang langgam." (-_-) si Renald ang nagsalita bago lumabas.
"Asan?" tanong ni Elvina tsaka naghanap."Wala naman." ( '.' )?
"A-ano.., mauna narin a-ako."
"Ayos ka lang Zia?"
"Ha? O-oo."
Payukong naglakad si Zia...
"Nakakaloka na nangyayari kina lola tapos ganyan pa kinikilos ng iba. Mababaliw na ata ako Rence." -elvina
"Wag ka kasing makialam sa problema ng iba." -rence
"Kaya nga tayo andito para tulungan sila pero parang sila mismo ang ayaw magpatulong."
"Kaya nga wag na lang."
"E kasi naman hindi ko maiwasang wag mag-alala. Bukas kaya, sasabihin nila?"
"Ang kulit mo."
Naglalakad na sila palabas ng biglang pumasok si Lester.
"Hey." bati ng binata kay Paloma na nakangisi.
"Bat ka nandito?" -paloma
"Dahil nandito Pam? Duh." -miles
Napansin ni Lester ang dalawa.
"Oh dude, Elvina. Uwi na kami ni Hon." sabi ng binata.
"Don't touch me!" sigaw bigla ni Paloma sabay taboy ng kamay ni Lester na umakbay sa kanya tsaka na sila umalis.
Nakangiti si Elvina habang nakatingin sa kanila na papalayo.
"Ang galing no? Akalain mong may something pala sa kanila? Hindi halata pero gusto pala nila ang isa't-isa. Kung di lang siguro kanina hindi ko malalaman." -elvina
Nakatingin lang si Rence sa dalaga.
"Kakaiba yung ginawa ni Lester. Ang sweet pero masyadong delikado. Uhm ikaw? Pano mo ipagtatapat sa gusto mo na may gusto ka sa kanya?" tumingin si Elivina kay Rence kaya nakasalubong ang tingin nila.
"How would you like me to do it?" seryosong tanong ni Rence.
"Aba, malay ko sayo. Tinanong nga kita, binalik mo naman yung tanong. Bahala ka nga jan."
Naglakad na si Elvina ngunit hindi si Rence. Tahimik nyang pinagmamasdan ang dalaga sa paglakad.
"Ayaw mo ba sakin? O slow ka lang talaga? Aish!" ginulo ng binata ang kanyang buhok sa inis. Ilang sandali lang ay sumunod na sya.
"Natural gusto ko surprise. Sasabihin ko naman kung sakin ka magtatapat e. Kainis kang manhid ka." bulong ni Elvina sa sarili habang naglalakad."Teka, panung surprise kung alam kong sakin sya magtatapat? Ako atang magulo dito e. Pano ba dapat?" nag-iisip sya habang naglalakad."Ay mali e. Malabong mangyari yun. Ang feeling ko talaga. Bakit kasi ganito ako mag-isip pagdating sa kanya? Kanino ako hihingi ng payo? Hirap naman nito e." ( -3-)
"Sino kausap mo?"
"Ay kulisap!"
Si Rence ang nagsalita na kakadating lang.
"Anong binubulong mo?"
"Wala ka na dun kasi nandyan ka."
"What?"
"Wala! Basag na naman joke ko. Panira ka talaga ng trip."
Binilisan ng dalaga ang kanyang lakad kaya naiwan ulit si Rence na nagtataka.
"Huh?"
---
Nagbalik ang dati sa lahat maliban kay Aldrich na madalas nanahimik at kay Zia na natataranta kapag kinakausap nila. Lumipas ang ilang araw at nanatili sa ganoon ang nangyayari. Wala naring gulo ang nangyari sa paaralan.
Isang araw lumapit si Aldrich sa magkakaibigan habang nagkukwentuhan sila sa cafeteria.
"Elvina... James..." tawag nya."Pwede ko ba kayong makausap?"
Nagtaka ang dalawa habang si Zia ay nagsimula na namang mataranta na nahalata ng kanyang kapatid.
"Uhm, sakin ayos lang. Tanungin mo yang ex-friendship mo." -elvina
"It's ok with me." -rence
"Ayun, ayos daw." (^.^)
Umalis na sila. Nagtungo sila sa lugar na di masyadong nadadaanan ng tao.
"ah-I don't know how to start." -aldrich
"Nag-umpisa ka na kaya." ( '.' ) takang sabi ni Elvina na bahagyang ikinatawa ni Aldrich. Medyo gumaan pakiramdam ng binata."Pabitin ka naman e. Dahil ba yan sa pananahimik mo? Ilang araw din yun ha? Nakaka-curious. Nag-alala ako sayo."
"Is it about Fiona?"
Napatingin sila kay Rence.
"Alam mo na ang tungkol kay Venus?" -aldrich
"May hinala ako pero ayokong manghusga agad. Nakita kong magkasama sila ni Fiona dati. Isang beses lang kaya hindi na ata naalala ni Venus" -rence
Si Elvina ang nagulat sa mga narinig. Tinitignan nya si Rence na may pag-aalala kahit kaswal man ang pagsasalita ng binata. Nanatili syang tahimik at nakinig nalang.
Pansin ni Aldrich ang makabuluhang titig ni Elvina kay Rence kaya tumingin nalang sya sa gilid bago nagsalita.
"Sorry... sa mga nagawa ng kapatid ko. Akala ko titigil na sya kapag pinakita ko sa kanyang wala na syang pag-asa. Kapatid ko nga sya pero di ko parin mahulaan madalas kung anong tumatakbo sa isip nya. Kay ate Hazie sya sumusunod pero nasa states sya ngayon." huminga muna ng malalim ang binata. "Ako na humihingi ng tawad para sa kay Fiona."
"I honestly didn't want to forgive her but someone helped me to realize that hatred does only bad to a person."
"Balik na sa dati?"
"Yeah. Back to normal but... it doesn't mean that it's back to the way it is before."
"Huh?"
"Teka. Ako ata nagsabi nun ah?" singit ni Elvina sa usapan nila at hindi parin maintindihan ni Aldrich.
"Huh?"
"Ah ano, balik na daw sa normal ang lahat pero di ibig sabihing balik na sa dati ang lahat." napangiti si Aldrich.
"Tinagalog mo lang ang sinabi ni Tyrone. But I think I got the point." (^_^)
"You're just not compatible." bulong ni Rence sa sarili pero narinig pala ni Aldrich kaya ito biglang tumawa.
"Ayieee, magbabati na sila." tukso ng dalaga. (^.^)
"Back to normal... Rence?"
Nakipagkamay si Aldrich na inabot naman ng binata.
"Yeah." sabi nito.
"Ang sweet nyo naman. May holding hands pa talaga ah?"
"Thanks Elvina." nakangiting sambit ni Aldrich.
"Eh?" takang tanong ng dalaga. Muling tumawa ang binata.
"Hindi nga tayo compatible." (^_^) sabi ni Aldrich tsaka sumenyas na aalis na sya at naglakad palayo.
"Anong pinagsasabi nun? Na-gets mo sya?"
"Yeah."
"Wahahaha... Compatible din pala kayo eh. Malay mo magkatuluyan kayo nun. Uy ninang ako ah?"
"Compatible... Din? So you admitted that we are compatible huh?"
"Hmmm... Sige na nga. Tara na kakompatibol! Balik na tayo dun."
Naglakad na pabalik ng cafeteria si Elvina. Lumabas kay Rence ang isang malapad na ngiti. Nakapamulsa pa syang sumunod. Bakas sa kanya ang isang magadang mood.
(^___^) -rence
______o0o______
NOTE: Well, heto na ang sinasabing developing stage. Madami pang mangyayari kaya abangan. Hihihi~ At heto, hindi magtatagal paghihintay. Wait lang ng konti dahil ita-type ko na ang next chap! Oha? (*u*)
Paki-VOTE naman if nagustuhan ha? Paki-Recommend narin if sinisipag ka.
Chalamatz!!!
Next==> "3p ni Eman"
-->BelomaCassidy