Chap74: 3p ni Elvina

15.2K 285 42
                                    

1 LAST CHAPTER REMAINING! 

Schedule ng final chapter sa notes ko sa huli. May deal ako sa inyo so better check it out! ;) 

Oh sya, hindi nako magpapakemekeme pa. Basa na! Haha. XD 

ENJOOOOOOOOOOY! (^0^)/

_______o0o______

Tahimik ang lahat sa loob ng mansyon at nakatingin kay Rence...

"No. She's not with me. I came here alone." malungkot na sabi ng binata na nagbigay pangamba sa iilan lalo na kay lola Marie.

"Jusmiyo! Nasan apo ko?!" sabi ng lola bago nahimatay.

Biglang naging maingay sa loob.

"Waaaah! Asan si Ally!" sigaw bigla ni Jillian tsaka na umiyak. 

Nilapitan sya ni Gerald tsaka niyakap.

"Tsk. Wag ka ngang umiyak. Baka naligaw lang." sabi ng binata.

Naiyak na rin si Zia sa pag-aalala sa kaibigan. Tahimik syang humihikbi kaya inalalayan na sya ni Renald.

"Hatid na muna natin sila tol." sabi ni Gerald sa kakambal.

"Ayaw ko! Ayaw! Bitawan mo ko!"

Nagwawala na si Jillian.

"Zia, tawagan natin si papa. Pasearch natin si Ally!"

Hindi makasagot ang dalaga sa kapatid na patuloy parin sa paghikbi.

"Hey, hey, chillax." sabi ni Lester na lumapit sa kanila.

"Don't think any bad things. Baka nga naligaw lang o natraffic. Don't conclude." sabi ng binata kina Jillian bago tumingin sa kambal.

"Hatid mo na nga muna sila dude." sabi sunod ni Lester.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon