Hey hey. Nakangiti na naman ako dahil sa mga nabasa ko. Hehe. Ipagpatuloy nyo lang ne? Nagtataka nga ako kasi may mga bago ngang nagvo-vote at nagko-comment pero meron ding nawawala. Bakit kaya? Pero infairness, meron parin mga consistent! Ung mga hindi nila hahayaang may chap na walang vote? Happy ako dun!!! :))
Meron ding mga message na patungkol sakin at meron sa story or characters. Either ways, masaya akong malaman mga yun! Thanks ng madaming-madame sa inyong lahaaaaaaaat! (^O^)/
Ai, sensya pala kung medyo natagalan ang UD nato. Nagshift kasi sched namin. Nadagdagan pa ng 1hr! From 10pm-6am, naging 3am-12nn. Saklap lang diba? Pffft~ Oh heto na mga friend...
Enjoy readeeeeeeeeng! XD
______o0o______
Chapter 59
Katahimikan ang nangibabaw kaya si Rence na ang muling nagsalita...
"Hindi mo ako nami-miss?"
"Ha? P-pero nagkita palang tayo kanina. Antok lang yan."
"May ayaw ka ba sa akin?"
"Anong pinagsasabi mo Rence?"
"Edi may gusto ka sa akin?"
"Ha?" (o///o)
"Aish! Loud speaker nga gamitin mo!"
Dahan-dahang bumangon ang dalaga upang hindi maabala sa pagtulog si lola Marie tsaka lumabas ng silid para makapagsalita ng maayos.
"Di ako bingi kaya wag kang sumigaw. Ano na naman bang trip mo Rence? Nakakawala ka ng antok e. San mo napulot yung banat na ganyan?"
"Uh. Internet."
Natawa ng mahina si Elvina.
"Baliw. At sakin mo pa talaga tinesting no? Para san ba yan at nagresearch ka pa."
"Para sayo."
"Yieee, niloloko mo naman ako e. Alam mo, itulog mo na yan."
"Hindi ako makatulog."
"Aba, problema mo na yan. Wag ka namang mandamay. Bababa ko na ito no? Tulog nako ulit." (^.^)
"Kasalanan mo Elvina."
"At ako pa sinisi mo? Sus. Di ka lang sanay jan. Hmmm... Ah! Gusto mo idala natin yung mga unan mo sa condo ni lola seniora? Isipin mo nalang nun, kwarto mo yang tinutulugan mo. Kung gusto mo pati yung mga ibang gamit at-"
"Iniisip kasi kita."
(o.o)? -elvina
Natahimik ang dalaga at napasandal sya sa pader ng silid nila.
"Iniisip ko ang mga sinabi mo kagabi."
Tahimik nalang na nakinig ang dalaga. Parang iniintindi ang binata sa nais nitong iparating.
"Naiinis ako kapag binabanggit mo yung Gelo. Ganun din kapag lumalapit ibang lalaki sayo lalo na si Aldrich. Nainis din ako nung kinausap mo yung Eman. At mas nainis ako dahil may gusto ka na."
Hindi makasagot si Elvina. Narinig na lang nya ang buntong hininga ni Rence sa kabilang linya bago ito nagpatuloy.
"Ilang beses na akong nagparamdam sa iyo pero hindi ko talaga malaman kung ano tingin mo sa akin. Aish! This is so embarassing!"
"Uy, anong nangyayari sayo? May lagnat ka ba?" ( '.' )
"Ayan ka na naman. Napakalinaw na nga ng sinasabi ko tapos parang hindi tumatagos sa iyo. Anong klaseng utak meron ka?"